Ogie Diaz sa naging isyu nina Wilbert at Zeinab; "Diniretso nalang sana niya si Mamshie"

Ogie Diaz sa naging isyu nina Wilbert at Zeinab; "Diniretso nalang sana niya si Mamshie"

- Nagbigay komento si Ogie Diaz sa naging isyu nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake

- Aniya, hindi na raw dapat pang gumawa ng blind item si Zeinab kung sakali mang si Wilbert ang pinatutungkulan nito

- Kung totoo raw kasing kaibigan ni Zeinab si Wilbert, pribado na lamang sana silang nag-usap

- At sakaling hindi daw si Wilbert ang nasa blind item, bilang kaibigan, nilinaw na lang daw sana ito ni Zeinab

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Ogie Diaz ay nagbigay komento sa isyu nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake kamakailan.

Ogie Diaz sa naging isyu nina Wilbert at Zeinab; "Diniretso nalang sana niya si Mamshie"
Wilbert and Zeinab (Photo from Wilbert Tolentino)
Source: Facebook

Sinabi nitong kung talagang kaibigan ni Zeinab si Wilbert, hindi na niya idinaan pa sa blind item o pag-post sa social media ang problema niya rito.

"Kung totoong kaibigan ni Zeinab si Mamshie, hindi na siya dapat gumawa pa ng blind item, diniretso niya si Mamshie. Mamshie, gusto ko lang marinig from your end kahit magkaibigan ba tayo, bakit nakikipag-ano ka diyan kay Aira, kung yun ah," ani Ogie.

Read also

Madam Inutz, aminadong nasaktan sa nasabi umano ni Zeinab sa kanya

Aniya, sana'y ginawa na lamang nila ito ng pribado gayung ang importante ay naibulalas na nila ang kani-kanilang saloobin sa isyu.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"At the end of the day, nailabas niyo doon ng kayo lang dalawa ang nakakaalam ng mga sama niyo ng loob sa isa't isa tapos matatapos din doon," dagdag pa ni Ogie.

At kung hindi naman umano si Wilbert ang tinutukoy ni Zeinab sa nasabing post, sana'y nilinaw na rin umano nito sa kaibigan nang sa gayun ay hindi na rin ito nag-isip pa ng kung ano pa man na tila naging daan upang magkaroon ng 'rebelasyon.'

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie Diaz mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Oktubre 23 ng gabi nang gumulantang sa publiko ang mabilis na nag-viral na video ni Wilbert Tolentino na may pamagat na "Ang rebelasyon."

Read also

Zeinab Harake kay Wilbert Tolentino: "Hindi ka naging user"

Ito umano ay may kaugnayan sa ingay nila ngayon sa social media ng kanyang kapwa vlogger na si Zeinab Harake.

Maanghang ang mga naging paratang umano ni Wilbert kay Zeinab gayung suportado raw ang kanyang mga sinabi ng mga screenshots na nagpapatunay na totoo ang kanyang mga sinasabi.

Agad namang naglabas ng reaksyon si Zeinab sa naturang video at pinabulaanan ang mga sinabi ng tinatawag niyang 'Ma' na si Wilbert. Lalo na ang kalahating milyong piso na bigay umano ni Wilbert para sa kanyang YouTube channel intro.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel