Zeinab Harake kay Wilbert Tolentino: "Hindi ka naging user"

Zeinab Harake kay Wilbert Tolentino: "Hindi ka naging user"

- Muling naglabas ng saloobin si Zeinab Harake patungkol sa naging isyu nila ni Wilbert Tolentino

- Sa naturang post, hiling niya ang kapatawaran nila sa isa't isa kahit sa 'puso at isip' na lamang

- Para sa kanya, hindi raw 'user' si Wilbert gayung naging beneficial naman umano sila sa isa't isa

- Humingi rin siya ng pasensya kay Wilbert kung sa tingin daw nito ay naging masama siyang kaibigan at nagkamali

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas muli ng saloobin si Zeinab Harake patungkol sa kontrobersyal na hindi pagkakaunawaan nila ni WIlbert Tolentino.

Zeinab Harake kay Wilbert Tolentino: "Hindi ka naging user"
Zeinab Harake and Wilbert Tolentino (Wilbert Tollentino)
Source: Facebook

Sa pamamagitan ng kanyang post, nalaman ng KAMI na naibulalas ni Zeinab ang mga hindi niya nasabi umano kay Wilbert nang subukan daw niya itong makausap nang personal.

"Sinubukan ko makipag usap in private but nangyare na ang hindi dapat mangyare. Kaya kung hindi kaya maayos in private dito ko na gagawin," pahayag ni Zeinab.

Read also

Madam Inutz, aminadong nasaktan sa nasabi umano ni Zeinab sa kanya

"Hindi magandang nag kagulo online dahil sa naging alitan natin di magandang nakadamay ng mga taong may sariling imahe at tahimik na buhay," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ito rin ang naging pagkakataon niya upang humingi ng pasensya kay Wilbert.

"Kung sa tingin mo naging masamang kaibigan o tao ako at may mali ako sa lahat ng nangyare satin pasensya kana at gusto ko na lang din mag kapatawaran tayo kahit sa puso't isip na lang natin."

Sinabi rin ni Zeinab na hindi umano user si Wilbert gayung 'beneficial' naman daw sila sa isa't isa.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Oktubre 23 ng gabi nang gumulantang sa publiko ang mabilis na nag-viral na video ni Wilbert Tolentino sa kanyang YouTube channel na may pamagat na "Ang rebelasyon."

Ito umano ay may kaugnayan sa ingay nila ngayon sa social media ng kanyang kapwa vlogger na si Zeinab Harake.

Read also

Wilbert Tolentino, emosyonal na naglabas ng saloobin sa panibagong live video

Maanghang ang mga naging paratang umano ni Wilbert kay Zeinab gayung suportado raw ang kanyang mga sinabi ng mga screenshots na nagpapatunay na totoo ang kanyang mga sinasabi. Dahil dito, nadawit ang pangalan ng ilang mga kilalang vlogger sa bansa tulad na lamang nina Ivana Alawi, Madam Inutz, Herlene Budol at Jelai Andres.

Agad namang naglabas ng reaksyon si Zeinab sa naturang video at pinabulaanan ang mga sinabi ng tinatawag niyang 'Ma' na si Wilbert.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel