Madam Inutz, aminadong nasaktan sa nasabi umano ni Zeinab sa kanya

Madam Inutz, aminadong nasaktan sa nasabi umano ni Zeinab sa kanya

- Nagsalita na kamakailan si Madam Inutz patungkol sa umano'y mga naging komento ni Zeinab Harake sa kanya

- Aniya, hindi dapat umano ito nanghusga agad ng kapwa lalo at hindi pa siya nito kilala

- Pinayuhan din niya ito bilang isa rin daw siyang ina at labis na nakasakit sa ibang kapwa nila vlogger

- Isa si Madam Inutz sa mga nabanggit sa 'Rebelasyon' ni Wilbert Tolentino kung saan sinabi raw umano ni Zeinab na panandalian lamang ang kasikatan ng online seller

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagsalita na rin si Madam Inutz patungkol sa umano'y mga naging komento ni Zeinab Harake sa kanya base sa inilabas na rebelasyon ni Wilbert Tolentino noong Oktubre 23 ng gabi.

Madam Inutz, aminadong nasaktan sa nasabi umano ni Zeinab sa kanya
Photo: Daisy Lopez (Madam Inutz)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na aminado si Madam Inutz na nasaktan sa umano'y tingin sa kanya ni Zeinab na magiging panandalian lamang ang kasikatan.

Read also

Zeinab Harake kay Wilbert Tolentino: "Hindi ka naging user"

Sa kanyang Facebook live, naibulalas ni Madam Inutz ang totoong nararamdaman niya sa isyu lalo na at marami nga umano ang nakapansin na ni minsan ay hindi nga sila nagkaroon ng collab video ni Zeinab.

"Nakita niya na si Madam Inutz na isang komedyante ren. Nati-threat siya kay Hipon at kay Madam Inutz. Kaya wala kayong makikitang nag-collab silang 3 o silang dalawa," ang bahagi ng pahayag ni Wilbert ukol umano sa komento ni Zeinab kay Madam Inutz.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Zeinab din umano ang nagpayo kay Wilbert na pag-isipan ang pagkuha kay Madam Inutz gayung tila nakikita niyang hindi tatagal ang kasikatan nito.

Tila ito ang inalmahan ni Madam Inutz sa kanyang live video kamakailan.

"Mas magaling ka nga lang sa akin pero hindi ako ganyang klaseng tao," ani Madam Inutz na ibinahagi rin ng Balita.net at Manila Bulletin.

Read also

Wilbert Tolentino, emosyonal na naglabas ng saloobin sa panibagong live video

"Ako Z, wish ko sa'yo, sana huwag kang manghusga ng kapwa mo lalong-lalo na kung hindi mo pa nakakaharap ito. Lalong-lalo na kung hindi mo naman ako personal na kakilala, ikaw, hindi kita hinusgahan kasi alam ko nasaktan ka 'e. Hindi kita hinusgahan, pero nakasakit ka ng damdamin ng iba,
"Accept mo yung kamalian mo nasaktan mo 'ko, nasaktan mo yung iba nating kapwa vloggers, nasaktan mo yung kapwa natin YouTuber. Kahit paano nakasakit ka talaga.” ani Madam Inutz.

Oktubre 23 ng gabi nang gumulantang sa publiko ang mabilis na nag-viral na video ni Wilbert Tolentino na may pamagat na "Ang rebelasyon."

Ito umano ay may kaugnayan sa ingay nila ngayon sa social media ng kanyang kapwa vlogger na si Zeinab Harake.

Maanghang ang mga naging paratang umano ni Wilbert kay Zeinab gayung suportado raw ang kanyang mga sinabi ng mga screenshots na nagpapatunay na totoo ang kanyang mga sinasabi.

Read also

Zeinab, hiling na magkapatawaran sila ni Wilbert; "Kahit sa puso't isip na lang natin"

Agad namang naglabas ng reaksyon si Zeinab sa naturang video at pinabulaanan ang mga sinabi ng tinatawag niyang 'Ma' na si Wilbert. Lalo na ang kalahating milyong piso na bigay umano ni Wilbert para sa kanyang YouTube channel intro.

Samantala, isa sa mga pangalang nabanggit ni Wilbert sa kanyang kontrobersyal na video ay ang alaga niyang si Madam Inutz. Aniya, hindi raw nakikipag-collab si Zeinab kay Madam Inutz dahil 'threatened' daw ito sa komedyante gayundin sa isa pa niyang alaga na si Herlene Budol.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel