RR Enriquez kay Wilbert Tolentino; "Hindi niya alam mas lalong minahal ng tao si Zeinab"

RR Enriquez kay Wilbert Tolentino; "Hindi niya alam mas lalong minahal ng tao si Zeinab"

- Nagbigay opinyon si RR Enriquez sa kontrobersyal na 'rebelasyon' ni Wilbert Tolentino kamakailan

- Tahasang sinabi ni RR na tila nagawa umano ito ni Wilbert upang pabagsakin si Zeinab

- Subalit tila mas minahal pa rin umano ng publiko si Zeinab sa kabila ng mga 'screenshots' na inilabas niya

- Lalo pa at agad na humingi na ng tawad si Zeinab sa mga taong nadawit ang pangalan mga naging pasabog ni Wilbert

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsahan ang mga naging pahayag ni RR Enriquez patungkol sa kontrobersyal na rebelasyon ni Wilbert Tolentino patungkol kay Zeinab Harake.

RR Enriquez kay Wilbert Tolentino; "Hindi niya alam mas lalong minahal ng tao si Zeinab"
RR Enriquez
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na hindi nakawala kay Sawsawera Queen ang naturang isyu nina Wilbert at Zeinab.

"Itong si sir Wilbert has ulterior motive. And feeling ko yung motive na yun is baka pabagsakin si Zeinab na," ani RR.

Read also

RR sa naging isyu ni Robi Domingo; "He handled it in a classy way"

Ito ay dahil sa mga screenshot ng mga conversation nila ni Zienab na nagawa niyang ipakita sa publiko.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agad namang nag-sorry si Zeinab sa mga taong nabanggit ang pangalan sa umano'y pasabog ni Wilbert.

Ito nga ang dahilan kung bakit tila lalong bumango ang pangalan ni Zeinab sa publiko.

"Dun nagkamali si sir Wilbert. Hindi niya alam mas lalong minahal ng tao si Zeinab. Gaya ngayon humingi ng sorry si Zeinab, inako niya yung kanyang pagkakamali"

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni RR Enriquez mula sa YouTube channel niya:

Oktubre 23 ng gabi nang gumulantang sa publiko ang mabilis na nag-viral na video ni Wilbert Tolentino sa kanyang YouTube channel na may pamagat na "Ang rebelasyon."

Ito umano ay may kaugnayan sa ingay nila ngayon sa social media ng kanyang kapwa vlogger na si Zeinab Harake.

Read also

Madam Inutz, aminadong nasaktan sa nasabi umano ni Zeinab sa kanya

Maanghang ang mga naging paratang umano ni Wilbert kay Zeinab gayung suportado raw ang kanyang mga sinabi ng mga screenshots na nagpapatunay na totoo ang kanyang mga sinasabi. Dahil dito, nadawit ang pangalan ng ilang mga kilalang vlogger sa bansa tulad na lamang nina Ivana Alawi, Madam Inutz, Herlene Budol at Jelai Andres.

Agad namang naglabas ng reaksyon si Zeinab sa naturang video at pinabulaanan ang mga sinabi ng tinatawag niyang 'Ma' na si Wilbert.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel