Sasawera Queen RR, 'di sang-ayon sa pag-share ni Wilbert ng private messages nila ni Zeinab

Sasawera Queen RR, 'di sang-ayon sa pag-share ni Wilbert ng private messages nila ni Zeinab

- Hindi umano sang-ayon si RR Enriquez sa umano'y pagbabahagi ni Wilbert Tolentino ng private messages nila ni RR Enriquez

- Aniya, hindi naman na kailangan pang ipakita sa publiko ang mga napag-usapan nila ng itinuturing niyang kaibigan

- Sapat na umano ang naglabas ito ng saloobin ukol sa mismong isyu nila ni Zeinab at hindi ang iba pang napag-usapan nila tungkol sa kapwa nila vloggers

- Oktubre 23 nang gumulantang sa publiko ang video ng 'Rebelasyon' ni Wilbert Tolentino tungkol kay Zeinab Harake

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nakawala sa 'pagsawsaw' ni Sawsawera Queen RR Enriquez ang kontrobersyal na alitan nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.

Sasawera Queen RR, 'di sang-ayon sa pag-share ni Wilbert ng private messages nila ni Zeinab
RR Enriquez (RR Enriquez Sawsawera Queen)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na tahasang sinabi ni RR na hindi na umano dapat pang ibinahagi ni Wilbert ang mga private message nila ni Zeinab lalo na at tungkol ito sa iba pang mga kapwa nila vlogger.

Read also

RR Enriquez, nag-real talk sa isyu nina Zeinab at Wilbert; "Naggamitan lang kayo"

"Ang medyo mali lang na nakita ko, sa totoo lang na pangit na ginawa ni Sir Wilbert is bakit kailangan mong ilabas lahat yung mga pinag-uusapan niyo ni Zeinab. 'Di ko alam kung ano 'yung motive mo bakit kailangan mong ilabas yun. Kung may problema ka kay Zeinab, nailabas mo naman na e... Sana hanggang ganun na lang. Hindi mo na kailangan ilabas pa yung mga napag-uusapan niyo regarding dun sa ibang mga friends ni Zeinab na influencers, vloggers. Private matter na yan e, kayo nalang yung nag-uusap," paliwanag ni RR.

Oktubre 23 nang gumulantang sa publiko ang rebelasyon umano ni Wilbert Tolentino patungkol sa kanila ni Zeinab Harake. Ilang minuto matapos ilabas ang naturang video ay agad na nag-live si Zeinab upang ihayag naman ang kanyang panig.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Madam Inutz, makulit na video ang umano'y reaksyon sa 'rebelasyon' ni Wilbert Tolentino

Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez sa kanyang YouTube channel na RR Enriquez Sawsawera Queen. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa iba't ibang isyu sa bansa lalong-lalo na sa showbiz.

Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel