RR Enriquez, nag-real talk sa isyu nina Zeinab at Wilbert; "Naggamitan lang kayo"

RR Enriquez, nag-real talk sa isyu nina Zeinab at Wilbert; "Naggamitan lang kayo"

- Nagbigay ng opinyon si 'Sawsawera Queen' RR Enriquez sa mainit na isyu sa pagitan nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake

- Aniya, tila naggamitan lang naman talaga ang dalawa at nagkaroon umano ng pakinabang sa isa't isa

- Naintindihan niya umano ang tila mindset ni Zeinab bilang vlogger na pawang ito ang kanyang ikinabubuhay

- Naunawaan din niya umano ang paglalabas ng saloobin ni Wilbert lalo na matagal bago siya ni-reply ni Zeinab

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nagpahuli si 'Sawsawera Queen' RR Enriquez sa pagbibigay ng kanyang opinyon sa kontrobersyal na alitan ngayon sa pagitan nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.

RR Enriquez, nag-real talk sa isyu nina Zeinab at Wilbert; "Naggamitan lang kayo"
RR Enriquez, nag-real talk sa isyu nina Zeinab at Wilbert; "Naggamitan lang kayo"
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na tila nag-real talk si RR kina Zeinab at Wilbert nang sabihin niyang 'naggamitan' lang umano ang dalawa.

"Wala naman kayong utang na loob sa isa't isa kasi naggamitan lang kayo...Harsh 'tong sinasabi ko, masyadong brutal, pero totoo yan, naggamitan kayong dalawa. Nagamit ni Zeinab si sir Wilbert because of money nabayaran siya. Same with sir wilbert, nagamit mo si Zeinab kasi nakuhanan mo siya ng mga subscribers. And if it's not for zeinab, di mo naman makikilala 'yung ibang influencers," paliwanag ni RR.

Read also

Sasawera Queen RR, 'di sang-ayon sa pag-share ni Wilbert ng private messages nila ni Zeinab

Tila naka-relate naman umano sa mindset ni Zeinab lalo na at si Wilbert umano ang nag-approach sa kanya na parang kliyente sa umpisa kaya naman nararapat lamang na mag-demand umano ito ng kabayaran.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Same kami ng mentality ni zeinab ha, Kung ikaw hindi kita kilala at lumapit ka sa akin as my client siyempre sisingilin kita for payment. you want fame, you want my subscribers? bayaran mo ako. Sobrang wise decision ng ginawa dun ni Zeinab. 'Di natin siya dapat i-bash doon kasi nagiging business-minded lang siya. Karapatan niya 'yun na maningil bilang nung time na 'yun is isa siya sa mga number one youtuber talaga or vlogger. so walang masama dun kung naningil si Zeinab ng 400,000 o 800,000 or marami man siyang nakuhang pera kay sir Wilbert Tolentino like millions."

Read also

Toni Fowler, sinabing napatawad na niya si Zeinab Harake

Samantala, naunawaan naman din umano niya si Wilbert na naglabas ng saloobin gayung hindi ito nakatanggap agad ng reply kay Zeinab nang subukan niya rito na makipag-ugnayan.

So ang naging pagkakamali lang ng dalawang ito especially si Zeinab, hindi niya ni-replyan si sir Wilbert. Nag-reply lang siya noong time na nakapag-post na si sir wilbert."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang YouTube channel na RR Enriquez Sasawera Queen:

Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz.

Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel