RR Enriquez sa sampahan ng kaso nina Glenda at Rosmar; "Pag-usapan niyo nalang 'yan"

RR Enriquez sa sampahan ng kaso nina Glenda at Rosmar; "Pag-usapan niyo nalang 'yan"

- Nagbigay komento si RR Enriquez sa umano'y issue ng mga CEO na sina Rosmar Tan at Glenda Victorio

- Ito ay kaugnay sa umano'y patutsadahan ng dalawa online na nauwi sa demandahan kamakailan

- Matatandaang minsan na ring naipit sa kontrobersiya si RR dahil sa panloloko umano sa kanya ng naka-negosyo

- Kaya naman pinayuhan niya ang dalawa base na rin sa kanyang karanasan sa pagse-settle ng mga ganitong issue

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay ng kanyang reaksyon si 'Sawsawera Queen' RR Enriquez sa umano'y issue ng mga CEO na sina Glenda Victorio ng Brilliant Skin at ni Rosmar Tan ng Rosmar Skin Essentials.

RR Enriquez sa sampahan ng kaso nina Glenda at Rosmar; "Pag-usapan niyo nalang 'yan"
RR Enriquez (RR ENRIQUEZ Sawsawera Queen)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na pareho na umanong nagdemandahan ang dalawa matapos ang kanya-kanya nilang patutsadahan online.

Kaya naman nakaagaw ito ng pansin kay Sawsawera Queen na minsan na ring nadawit sa issue ng demandahan matapos na maloko siya ng ka-negosyo sa halagang Php 5 million.

Read also

Wilbert, kalahating milyon umano ang na-sponsor sa intro ng YT channel ni Zeinab

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil dito, nagbigay si RR ng payo sa dalawa base sa 'stress' na naranasan niya sa pagsasampa ng kaso.

"Alam niyo ako ah, share ko lang. Nung nagstart ako nitong pandemic ng Cryolipo ko, mayroong nang-scam sa akin. almost Php 5 million talaga. Dinemanda ko siya pero grabe, sobrang stressful ng pandedemanda na 'yan. Hanggang sa nag-settle na lang kami ang dami kong nasabi na pangit sa kanya... Pwede pala niya ako idemanda. So ang nangyari, 'yung nang-scam sa akin, hindi ko siya naidemanda. kasi nga meron siyang panlaban sa akin. Idedemanda niya ako ng libel case tapos siya kakasuhan ko ng estafa. So nag-usap nalang kami kasi na-stress din ako." pagbabalik-tanaw ni RR.

"Ako ang payo ko sa dalawang CEO na 'to, kung hindi pa naman sobrang laki ng damage na nagawa, Naku! pag-usapan niyo nalang 'yan. Sobrang stressful niyang ginagawa niyo. Alam niyo ba kung sinong malulugi diyan? kayong dalawa," Ayon pa kay RR.

Read also

Andrew Schimmer, ipinakita ang improvement sa misis: "Ang ganda ng dilat ng mga mata niya"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa RR ENRIQUEZ Sawsawera Queen YouTube channel:

Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz. Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button.

Si RR ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014. Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel