Andrew Schimmer sa pagbabalik ICU ng misis; "God please protect her, I will do anything"

Andrew Schimmer sa pagbabalik ICU ng misis; "God please protect her, I will do anything"

- Balik ICU ang misis ni Andrew Schimmer matapos ang ilang araw nitong pagkakaroon ng lagnat

- Ilang araw matapos na maiuwi mula ospital ang misis ni Andrew na si Jo, muling hindi gumanda ang lagay nito

- Sa huling update ni Andrew bago ang muling pagkakalagak nito sa ICU, posibleng negligence umano ng nutritionist ni Jo ang dahilan ng di magandang lagay nito

- Hiling muli ni Andrew ang panalangin sa pagaling ng kanyang misis na isang taon nang nakikipaglaban sa kanyang karamdaman

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Malungkot na inanunsyo ni Andrew Schimmer na ibabalik muli ang kanyang misis na si Jorhomy Rovero sa intensive care unit.

Andrew Schimmer sa pagbabalik ICU ng misis; "God please protect her, I will do anything"
Andrew Schimmer (The Schimmers)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay dahil sa ilang araw nang pagkakaroon ng lagnat ni Jo matapos na ito ay maiuwi sa kanilang tahanan noong Oktubre 10.

Read also

Andrew Schimmer sa lagay ng misis; "High fever and vomiting siya ngayon"

Sa huling update ni Andrew bago ibahaging malalagak muli ito sa ICU, sinabing tila kapabayaan o negligence ng nutritionist ni Jo ang dahilan ng mataas na lagnat nito.

"Paano namang hindi lalagnatin 'yung tao? Can you imagine, ito 'yung laman ng kidneys mo? Diyos ko, kawawa. Tignan niyo manas na manas 'yung ano niya oh, kawawa naman," pahayag ni Andrew na emosyonal sa kalagayan ng asawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ang ayos-ayos na ng lagay niya. Recovery period na siya e. Because of that, tignan niyo guys, minamanas siya... Saan po dadalhin ng pasyente ninyo itong 6 grams of sodium na 'yan? Saan? Paki-explain naman. As a result, sobrang taas ng creatinine level niya ngayon. Tignan niyo naman, hirap na hirap 'yung tao. Ang ganda-ganda ng lagay nito nitong isang araw.”

Samantala, ilan oras matapos ito, muling nag-post ng update si Andrew na humihiling ng dasal para kay Jo na ilalagak muli sa ICU.

Read also

Barbie Forteza, may nilinaw ukol sa kanilang serye; "Hindi naman po natin babaguhin ang history"

"For transfer na po sha sa ICU now. God please protect her. I will do anything. Please heal her again. Give her back to me, you promised" ang caption ni Andrew sa larawan ni Jo habang inihahanda sa pagbabalik ICU nito.

Si Andrew Schimmer ay isang Filipino actor. Ilan sa kanyang mga naging proyekto ay ang "Babangon Ako't Dudurugin Kita", "Gagamboy" at "Resiklo".

Sa Ogie Diaz inspires channel mapapanood ang nakakaantig pusong interview ni Ogie kay Andrew Schimmer. Pumalo ito ng nasa mahigit 2 million views ang naturang panayam sa loob lamang ng dalawang araw buhat nang ito'y maisa-ere. Sa pamamagitan din ng panayam na ito, mas lalong naunawaan ng publiko ang pinagdadaanan ng pamilya Schimmer.

Sa 'Showbiz Update' naman na channel ni Ogie Diaz, nabanggit nitong marami ang nais pang tumulong sa misis ni Andrew Schimmer na halos isang taon nang nasa ospital.

Read also

Ogie Diaz, tinatanaw na utang na loob na naging manager ni Liza Soberano

Dahil sa marami ang nakapanood ng interview ni Ogie Diaz kay Andrew, dumagsa ang mga nais pang tumulong sa pamilya ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel