Andrew Schimmer sa misis niyang nasa tahanan na nila; "Welcome Home Mommy!"

Andrew Schimmer sa misis niyang nasa tahanan na nila; "Welcome Home Mommy!"

- Ibinahagi ni Andrew Schimmer ang video ng aktwal na pagdating ng kanyang misis sa kanilang tahanan

- Makikitang sa buong biyahe umano nito ay hindi ito nakatulog kaya naman nasabi nilang excited na talaga itong makauwi

- Sa kanilang tahanan, makikitang nakahanda na ang kwarto kung saan tuloy ang pagpapagaling nito

- Labis-labis ang pasasalamat ni Andrew sa lahat ng mga patuloy na tumutulong at sumusuporta sa kanilang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang ibinahagi ni Andrew Schimmer ang mga kaganapan sa pag-uwi ng kanyang misis na si Jorhomy "Jho"Rovero.

Andrew Schimmer sa misis niyang nasa tahanan na nila; "Welcome Home Mommy!"
Photo: The Schimmers
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na noong Oktubre 10, inanunsyo ni Andrew na pinahintulutan na silang maiuwi ang kanyang misis na isang taon halos na nalagak sa ospital dahil sa naging karamdaman nitong hypoxemia.

Sa video na naibahagi ni Andrew sa YouTube channel nilang 'The Schimmers', makikita ang paglabas mismo sa ospital ni "Jho".

Read also

Ina ng misis ni Andrew Schimmer sa lagay ng anak pauwi; "excited siya, hindi natulog"

"Excited o, excited na yan... Antok na antok pero ayaw matulog," paglalambing ni Andrew kay Jho tila nakikiramdam sa mga nangyayari.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis din nilang pinasalamatan ang mga nurses, hospital staff at mga doktor na talagang naging katuwang nila sa pag-aalaga kay Jho.

Ito ay ipagpapatuloy umano nila sa tahananng mga Schimmers na nakahanda na bago pa man makarating si Jho.

Narito ang kabuuan ng video:

Sa Ogie Diaz inspires channel mapapanood ang nakakaantig pusong interview ni Ogie kay Andrew Schimmer. Pumalo ito ng nasa mahigit 2 million views ang naturang panayam sa loob lamang ng dalawang araw buhat nang ito'y maisa-ere. Sa pamamagitan din ng panayam na ito, mas lalong naunawaan ng publiko ang pinagdadaanan ng pamilya Schimmer.

Sa 'Showbiz Update' naman na channel ni Ogie Diaz, nabanggit nitong marami ang nais pang tutulong sa misis ni Andrew Schimmer na nasa siyam na buwan nang nakaratay sa ospital.

Read also

Zeinab at Ivana, masayang nagkulitan sa Nightmares Manila: "Uy, may papakulam ako"

Dahil sa marami ang nakapanood ng interview ni Ogie Diaz kay Andrew, dumagsa ang mga nais pang tumulong sa pamilya ng aktor.

Sa naturang interview, idinetalye ni Andrew ang pag-aalagang ginagawa niya sa misis gayundin sa kanilang dalawang anak.

Nobyembre 24 noong nakaraang taon nang kumpirmahin ni Andrew na isinugod umano ang kanyang misis sa isang ospital sa BGC dahil sa severe asthma attack na nagresulta sa cardiac arrest at hypoxia.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel