Barbie Forteza, may nilinaw ukol sa kanilang serye; "Hindi naman po natin babaguhin ang history"

Barbie Forteza, may nilinaw ukol sa kanilang serye; "Hindi naman po natin babaguhin ang history"

- Nagbigay komento na si Barbie Forteza patungkol sa naging reaksyon ng ilan sa serye nilang 'Maria Clara at Ibarra'

- Binigyang linaw niya na hindi nila magagawang baguhin ang history

- Ito ay dahil sa ang itinatakbo ng kwento ay ukol sa 'Noli Me Tangere' na panulat ni Jose Rizal

- Aniya, pawang pagbibigay impormasyon pa nga para matuto ang layunin ang kanilang programa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay ng pahayag si Barbie Forteza patungkol sa ilang mga naging komento ng netizens na nakapanood na ng kanilang teleserye sa GMA ang 'Maria Clara at Ibarra.'

Barbie Forteza, may nilinaw ukol sa kanilang serye; "Hindi naman po natin babaguhin ang history"
Barbie Forteza (@barbaraforteza)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na may kaugnayan ito sa ipinag-aalala ng ilan na baka umano mabago ang kwento ng pinagbasehan ng serye na 'Noli Me Tangere.'

"Sasabihin ko na po ngayon kasi medyo marami nang nagko-comment, huwag po kayong mag-alala. Hindi naman po natin babaguhin ang history. Hindi natin babaguhin ang nobela, Nandito lang po tayo para matuto," paglilinaw ni Barbie.

Read also

Barbie Forteza, pinasalamatan ang mga tumatangkilik sa 'Maria Clara at Ibarra'

Ginagampanan ni Barbie ang karakter ni Klay na 'Maria Clara' sa makabagong henerasyon na napunta sa kwentong 'Noli Me Tangere' na kanyang lamang binabasa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, labis-labis naman ang pasasalamat niya sa pagtangkilik ng marami sa kanilang serye.

Katunayan, nagti-trending pa umano siya bilang 'Barbie Forteza Supremacy' dahil umano sa husay ng pagganap niya sa kanyang karakter.

Isa na nga rito si Ogie Diaz, na naintriga sa naturang serye at aminadong nanood na rin nito kung saan nasaksihan niya mismo ang husay na ipinamamalas ni Barbie sa bago niyang serye.

Samantala, narito ang kabuuan gn pahayag ni Barbie Forteza mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Barbie Forteza ay isa sa mga mahuhusay at kilalang aktres ng GMA. Siya ay girlfriend ni Jak Roberto na isa ring Kapuso actor.

Read also

Cristy, todo puri si Bea: "Nakikita natin gaano kagaling at kasinop sa paghawak ng pera"

Samantala, kamakailan lamang ay nag-trending si Barbie at ang kanyang teleseryeng 'Mari Clara at Ibarra' kung saan marami ang napabilib sa kanya sa husay ng kanyang pag-arte. Aminado si Barbie na hindi nila inaasahan ang mainit na pagtanggap ng tao sa bago nilang proyekto.

Dahil dito, pinasalamatan niya ang mga sumusubaybay sa kanilang serye gabi-gabi kabilang na rito si Ogie Diaz na nagbigay puri sa kanyang pagganap .

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel