Toni Gonzaga, emosyonal nang makita ang bago niyang studio; "sabi ko 'di ako iiyak e"

Toni Gonzaga, emosyonal nang makita ang bago niyang studio; "sabi ko 'di ako iiyak e"

- Hindi napigilang maluha ni Toni Gonzaga nang makita ang kanyang sariling studio

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Dati lamang daw niya itong pinapangarap na ngayo'y isang katuparan na

- Bukod sa mapapanod ang kanyang bagong talk show sa kanyang YouTube channel, mapapanood din ito sa ALLTV

- Unang panauhin niya ay ang kanyang best friend na si Mariel Rodriguez

Naluha sa saya si Toni Gonzaga nang makita ang bagong-bagong studio para sa kanyang talk show na Toni.

Toni Gonzaga, emosyonal nang makita ang bago niyang studio; "sabi ko 'di ako iiyak e"
Toni Gonzaga (Toni Gonzaga Studio)
Source: UGC

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nalaman ng KAMI na mismong si Toni ang namili ng magiging itsura ng sarili niyang studio.

Kaya naman nang ito ay tuluyan nang mabuo at maayos, talagang naging emosyonal si Toni na inalala ang kanyang simula bilang isang host.

Read also

Manny Pacquiao, hinangaan ng marami sa husay ng pagtugtog nito ng piano

"Sabi na e ayaw kong umiyak. May set na tayo. 'Di ba dati, sa gilid lang tayo nagsu-shoot. Ngayon, may set na tayo!" ani Toni na kitang-kita ang kanyang saya.

Talagang dream come true ito ni Toni, lalo na at mapapanood siya mula Lunes hanggang Biyernes sa ALLTV at maging sa kanyang YouTube channel:

Si 'Celestine Cruz Gonzaga-Soriano', o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Sa kanyang YouTube channel na Toni Gonzaga Studio, nakapanayam niya ang ilan sa mga presidential candidates noong Election 2022.

Ilan sa mga ito ay sina dating Bise Presidente Leni Robredo, Mayor Isko Moreno, Senator Manny Pacquiao at maging ang kauna-unahang panayam noon ni Toni kay PBBM ay doon din napanood sa kauna-unahang pagkakaton.

Siya rin ang nakapag-interview kay President BongbongMarcos kung saan nai-tour pa siya nito sa Malacanang

Read also

Sharon, nagpost ukol sa kakilalang African child na nag-aaral na sa US ngayon

Isa ang programa niyang 'Toni' ang sa mga mapapanod sa AMBS 2 o ALLTV mula Lunes hanggang Biyernes.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel