Manny Pacquiao, hinangaan ng marami sa husay ng pagtugtog nito ng piano

Manny Pacquiao, hinangaan ng marami sa husay ng pagtugtog nito ng piano

- Viral ang video ni Former Senator Manny Pacquiao na tumutugtog ng piano

- Nagulat ang marami sa husay nito sa pagtugtog lalo na at nasasabayan pa niya ito ng kanta

- Minsan nang naging agaw-pansin online ang pagkahilig ni Senator Manny sa musika

- Bukod sa boxing, kilala rin si Senator Manny sa pagtulong sa kapwa kaya naman sa natapos na Eleksyon 2022, tumakbo siya sa pagka-pangulo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agaw-eksena sa social media ang maiksing video ng dating senador na si Manny Pacquiao na tumutugtog ng piano.

Manny Pacquiao, hinangaan ng marami sa husay ng pagtugtog nito ng piano
Manny Pacquiao (@mannypacquiao)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na marami umanong humanga sa kanya lalo na at patuloy ang pagbabahagi ni 'PacMan' ng kanyang mga talento.

Sa video na ibinahagi ng kanyang facebook page na Manny Pacquiao Public Information, makikita si Senator Manny na hindi lamang tumutugtog ng piano kundi, kumakanta rin.

Read also

Sharon, nagpost ukol sa kakilalang African child na nag-aaral na sa US ngayon

Mahusay nitong natutugtog at nakakanta ang awiting 'Let it Be' ng The Beatles.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Labis namang naaliw ang mga nakapanood ng video at aminadong humanga sa tinaguriang 'Boxing-Senator.'

Narito ang ilan sa kanilang mga talento:

"Pacquiao has his own "uniqueness"..He is a well rounded personality..Aside from being a boxing legend, he's a singer-keyboardest, a basketball player, a chess player, preacher, an orator, a law-maker, above all, & his best quality, he is a "real person"
"Si Senator Manny may kakaibang karisma sa tao na talaga namang nakaka-inspire. Sino ang mag-aakalang mahusay din pala siyang tumugtog ng piano"
"Amazing Pacman! Bravo... Who would have thought that you are a good pianist too?"
"Nakaka-inspire naman po senator Manny, ang dami niyo po pala talagang talento. God Bless po"
"A nice and talented man. You are truly amazing Senator Manny Pacquiao. Keep it up!"

Read also

Raffy Tulfo, nilinaw na hindi prank ang pagdulog ni Herlene Budol sa RTIA

Narito ang kabuuan ng kanyang video:

Si Emmanuel Dapidran Pacquiao Sr. o mas kilala bilang si Manny Pacquiao ay isang former politician at dating professional boxer. Naglingkod siya bilang senador mula Hunyo 30ng taong hanggang Hunyo 30 ngayon lamang taong 2022.

Isa siya sa mga kumandidato sa pagka-pangulo ng bansa noong May elections kung saan si Presidente Bongbong Marcos ang nagwagi sa nasabing posisyon.

Hindi pa man naipoproklama ay agad nang nag-concede si Pacquio at nagbigay mensahe sa nagwaging si Marcos.

Pinasalamatan din niya ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na todo ang suporta sa kanya sa kanyang kandidatura.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel