Sharon, nagpost ukol sa kakilalang African child na nag-aaral na sa US ngayon

Sharon, nagpost ukol sa kakilalang African child na nag-aaral na sa US ngayon

- Proud si Sharon Cuneta sa kanyang 'son' na aniya ay nagmula sa bansang Congo na ngayon ay naninirahan na sa Amerika

- Hindi na naibahagi ng Megastar ang buong kwento ngunit tinatawag siya ng bata na kanyang Mama Sharon

- Base sa kanyang post ay kasalukuyan umanong nasa Kindergarten ang batang lalaking tinawag niyang "Gabriel"

- Marami naman ang lalong humanga sa Megastar na kilala sa pagiging matulungin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakilala ni Sharon Cuneta ang kanyang "son" na si Gabriel. Ibinahagi niyang nagmula sa bansang Congo ang pamilya ni Gabriel na ngayon ay naninirahan na sa Amerika.

Sharon Cuneta, pinakilala sa publiko ang "son" niya na mula sa Congo
Sharon Cuneta, pinakilala sa publiko ang "son" niya na mula sa Congo (@reallysharoncuneta)
Source: Instagram

Kasalukuyan umanong naninirahan sa Michigan si Gabriel at kasalukuyang nasa Kindergarten na.

This is my “son” Gabriel. He and his family escaped from Congo and found their way to Rwanda, after which they miraculously made their way to the United States. They are now settled in Michigan and Gabriel is in Kindergarten! I am so proud of him. Gabriel, remember what I wrote you. Love you, my sweet boy. Mama Sharon.

Read also

Badjao Girl, nakumpirmang ligtas sa cancer sa tulong ni Karen Davila

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa isa pang naibahagi niyang video ay makikita ang video ni Gabriel na nagbibigay ng mensahe sa kanyang Mama Sharon.

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Kamakailan ay inihayag ni Sharon ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga fans na iniuugnay pa rin siya sa pagganap niya bilang Darna. Isang tagahanga niya ang gumuhit ng larawan niya na nakasuot ng costume ni Darna bilang pagpapaalala na naging Darna din ang Megastar. Ikinatuwa ni Ate Shawee na nauugnay pa rin ang pangalan niya sa iconic na Pinoy superhero. Marami sa mga netizens ang nagsabing si Mega ang kanilang paboritong Darna.

Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Sheree Gil. Nagpost siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw na pumanaw ang kaibigan. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagpanaw ng kaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel