Video ng AlDubNation fans, viral matapos ang Ogie Diaz interview kay Maine

Video ng AlDubNation fans, viral matapos ang Ogie Diaz interview kay Maine

- Viral ang video ng ng AlDub fans matapos maipalabas ang Ogie Diaz interview kay Maine Mendoza

- Sa naturang interview kasi, aminado si Maine na hirap siyang kumbinsihin ang fans na hindi totoo ang relasyon nila ni Alden na minsan nang naging love team

- Mas mainam umano ito kaysa paaasahin ang fans para lang sumikat at kumita at iyon ang ayaw niyang mangyari

- Matatandaang naging phenomenal ang pagkikita nina Maine na noon ay nakilala bilang si "Yaya Dub" ng Eat Bulaga at isa pa nitong host na si Alden Richards na kalauna'y naging love team

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapan ngayon ang muling kumakalat na video ng umano'y pagtitipon ng fans club nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Video ng AlDubNation fans, viral matapos ang Ogie Diaz interview kay Maine
Maine Mendoza (@mainedcm)
Source: Instagram

Makikita sa video na patapos nang kumanta ang mga umano'y miyembro ng 'AlDubNation' ng awiting "If we hold on together" habang may hawak silang kandila.

Read also

Cristy sa mga nagsasabing 'pambansang paawa' si Andrew Schimmer; "Nakakalungkot"

Matapos nga ang awitin, nasambit pa nila ang "Mabuhay ang Aldub nation," "Mabuhay si Alden," "Mabuhay si Maine," "Mabuhay ang Aldub"

Matatandaang kamakailan lamang, sa panayam ni Ogie Diaz kay Maine, nabanggit nito ang tungkol sa kanyang AlDub fans na tila hindi pa rin matanggap na siya ay engaged na kay Arjo Atayde at si Alden ay pawang naka-love team lang niya sa Eat Bulaga.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Meron pa rin po na hanggang ngayon, kumakapit pa rin dun. So yun yung hindi ko rin ma-tolerate, and I tried calling them out pa po a couple of times already pero ayaw po talaga nilang maniwala," she said. Adding further, "Yung iba kapit na kapit sila na mag-asawa kami ni Alden, may anak na kami. Totoo po ito, marami na po akong tao na dinirect message sa Twitter to tell them na, 'Wala pong katotohanan.'"

Read also

Andrew Schimmer, nag-update sa ika isang taon ng pagkaka-ospital ng misis

Narito ang video ng AlDubNation mula sa Twitter user na si @nmasistio na ibinahagi rin ng The Scoop:

Si Nicomaine Dei Capili Mendoza o mas kilala bilang si Maine Mendoza ay isang Pinay actress, model at TV personality. Kinagiliwan si Maine online dahil sa kanyang mga Dubsmash videos na naging daan upang maging bahagi siya ng longest-running noontime show, ang 'Eat Bulaga.' Doon, ipinakilala siya bilang si Yaya Dub.

Dahil sa hindi inaashang pag-click ng biglaang love team nila noon ni Alden Richards, tumabo na sila ng mga fans para mapuno ang Philippine Arena kung saan ginanap ang kanila umanong 'pagkikita' sa kanilang AlDub serye na bahagi pa rin ng Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel