Cristy Fermin sa mga video ni Alex Gonzaga: "kinakapos na po talaga sa content"

Cristy Fermin sa mga video ni Alex Gonzaga: "kinakapos na po talaga sa content"

- Natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang tungkol sa mga content ni Alex Gonzaga sa kanyang mga video

- Aniya, tila kinakapos na rin ito ng maaring matalakay o gawin sa kanyang mga vlog

- May mga bagay na raw itong nagagawa na hindi katanggap-tanggap lalong-lalo na sa kanyang mga tagasubaybay

- Gayunpaman, sa kabila ng ganoong klaseng content, malaki pa rin umano ang kinikita ni Alex sa kanyang YouTube channel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang mga content ni Alex Gonzaga sa kanyang channel.

Cristy Fermin sa mga video ni Alex Gonzaga: "kinakapos na po talaga sa content"
Alex Gonzaga (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nilarawan ni Cristy ang sitwasyon ni Alex na 'kinakapos' na sa ginagawang mga tema ng kanyang video.

Matatandaang isa sa mga nagawa nito kamakailan ay ang umano'y hindi pagpansin sa kanila ni Heart Evangelista sa Milan Fashion Week na kalauna'y binawi niya at sinabing wala itong katotohanan.

Read also

Xander Ford, nais na personal mag-sorry kay Kathryn: "Content lang po, bayad ako"

Gayunpaman, nagi itong usap-usapan hanggang naglabas ng pahayag si Alex tungkol sa biruang ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Lumalampas na po si Alex sa linya ng kagandahang asal. Marami na po siyang ginagawa na hindi katanggap-tanggap ng publiko lalo ng kanyang mga viewers. Naghahanap po ng bago pero ang bago po niyang binibigay ay taliwas po sa inaasahan ng kanyang manonood," ani Cristy.

Subalit sa kabila ng mga halimbawang gawa-gawang kwento na ito, malaki parin umano ang kinikita ni Alex sa kanyang YouTube channel.

''Yung pagba-vlog na ito ni Alex Gonzaga, daig pa po nito ang kumikita siya sa pelikula at telebisyon... Napakataas po ng kanyang kinikita. Buhay na buhay, napakalaki po ng kinikita niya buwan-buwan."

"Kaya lamang, 'yung umay factor tulad ng sinabi ni Romel, isa po 'yun. Ikalawa, 'yung hinahanapan siya ng pagrespeto sa mga taong kasama niya sa vlog," dagdag pa ni Cristy.

Read also

Cristy Fermin, sinabing palipat-lipat umano ng tirahan si Jake Zyrus sa Amerika

"At ikatlo, 'yung atin pong napapansin, 'yung creative juices po na tinatawag natin... Kinakapos na po talaga sa content"

Narito ang kabuuan ng kanilang naging talakayan sa Showbiz Now Na!:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel