Aiko Melendez, proud mom sa kanyang beautiful daughter na si Marthena

Aiko Melendez, proud mom sa kanyang beautiful daughter na si Marthena

- Talagang 'proud mama' si Aiko Melendez sa anak niyang si Martina na kamukhang-kamukha niya

- Turning 16 pa lamang si Marthena na mas prayoridad umano ang pag-aaral at walang balak mag-artista

- Gayunpaman, litaw na litaw ang kagandahan nito tulad ng ina kaya nakikitang maaring maging isang commercial model ito

- Si Martina ang bunso sa dalawang anak ni Aiko habang ang panganay naman nito ay si Andrei

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Super proud si Aiko Melendez sa kanyang beautiful daughter na si Marthena.

Aiko Melendez, proud mom sa kanyang beautiful daughter na si Marthena
Aiko Melendez at ang bunsong anak na si Marthena(@aikomelendez)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kasama ito ni Aiko sa isa niyang episode sa kanyang YouTube channel kung saan napa-Hi si Marthenasa mga tagapanood ng kanyang ina.

Panauhin ni Aiko ang kilalang psychic na si Jovi Vargas at napahanga rin sa ganda ni Marthena.

Subalit ayon sa konsehal ng Quezon city, wala raw umanong balak na pumasok sa showbiz ang kanyang 16-anyos na anak.

Read also

Jane De Leon, inaming si Paulo Avelino ang kanyang celebrity crush

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Pakita mo lang yung face mo kahit konti, very proud lang ako bilang mommy," ani Aiko.

"'Di ba carbon copy? Puyat lang ako ngayon e Pero ganyang-ganyan ang itsura ko dati"

Gayunpaman, wala raw umanong balak na pumasok ng showbiz si Marthena.

Prayoridad nito ang kanyang pag-aaral na tila tugma umano sa nakikita ni Jovi sa bunso ni Aiko.

Aniya, nakikita niyang mangingibang-bansa pa umano ito para mag-aral at mas lalong magiging proud umano si Aiko sa anak dahil dito.

May posibilidad din na hindi man daw nito pasukin ang pag-arte, magiging isa naman daw itong commercial model.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel ni Aiko Melendez:

Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supporting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010 at ngayon, pinalad siyang magwagi muli bilang konsehal at manilbihan sa nasabing lungsod.

Read also

Jane De Leon, naging emosyonal nang isuot ang Darna costume; "para siyang korona"

Matatandaang noong 2021, naging agaw-eksena ang kanyang mga larawan na mukha lamang teenager. Marami ang humanga sa aktres na paganda nang paganda kaya naman marami na rin ang nag-aabang sa kanya sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit 800,000 na subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel