Jane De Leon, inaming si Paulo Avelino ang kanyang celebrity crush

Jane De Leon, inaming si Paulo Avelino ang kanyang celebrity crush

- Inamin ni Jane De Leon na si Paulo Avelino ang kanyang celebrity crush

- Aniya, alam na raw ito noon pa ng aktor kaya diretsahan na niya itong nasagot nang muling maitanong sa kanya

- Bukod sa pagiging 'pogi' umano ni Paulo, humanga si Jane sa aktor dahil napakahusay umano nitong artista

- Makalipas nga ang ilang taon matapos na i-anunsyo na si Jane ang pinakabagong Darna, mapapanood na ito sa Lunes, Agosto 15

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tahasang inamin ni Jane De Leon na si Paulo Avelino ang kanyang celebrity crush.

Jane De Leon, inaming si Paulo Avelino ang kanyang celebrity crush
Jane De Leon (@imjanedeleon)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa kasi ito sa mga naitanong sa kanya nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa pinakabagong episode ng kanilang 'Showbiz Update' channel.

"Alam naman po niya e. Alam naman niya dati pa... Si Paulo Avelino," diretsahang sinagot ni Jane.

Read also

Herlene Budol, may nilinaw sa nasabi noon ni Miss Manila sa kanya; "'di ko alam na scripted"

Agad namang tinanong ni Ogie D kung ano ang nagustuhan ng aktres kay Paulo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Si Paulo kasi... Si Paulo, given naman na pogi siya. Pero sobrang na-attract ako dun at may gusto ako sa kanya kasi napakagaling niyang artista," paliwanag ng aktres.

Kwento pa ni Jane na-meet na rin niya ang aktor at nilarawan niya itong "charming."

"Siya po dapat ang leading man ko sa movie," ayon pa kay Jane.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa pinakabagong episode ng Ogie Diaz YouTube channel:

Si Jane de Leon ay isa sa mga aktres at modelo sa bansa. Dati siyang miyembro ng girl group GirlTrends, na madalas noong mapanood sa It's Showtime. Nabigyang pagkakataon siyang makilala sa pag-arte sa ilang mga patok na teleserye sa ABS-CBN na "Halik," "La Luna Sangre," at maging sa "FPJ's Ang Probinsyano."

Read also

Andre Yllana sa amang si Jomari; "May mga bagay kasi na it's too late na"

At ngayon, mapapanood na rin siya sa kauna-unahang proyekto kung saan siya ang bida, ang "Darna."

Sa mga nag-audition sa role na sana'y para kay Liza Soberano, siya ang napiling ihanay sa mga batikang aktres na gumanap na noon ng Darna.

Mapapanod ang Darna simula sa Lunes, Agosto 15, bilang kapalit umano sa katatapos lamang na serye na FPJ's Ang Probinsyano. Makakasama niya rito sina Joshua Garcia, Janella Salvador at Zaijan Jaranilla.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel