Jane De Leon, naging emosyonal nang isuot ang Darna costume; "para siyang korona"

Jane De Leon, naging emosyonal nang isuot ang Darna costume; "para siyang korona"

- Aminado si Jane De Leon na naging emosyonal siya nang isuot ang Darna costume

- Helmet pa lamang nito, teary-eyed na raw umano siya

- Inilarawan pa niya ang helmet na parang korona kaya ganoon na lamang ang kanyang pakiramdam nang maisuot ito

- Matatandaang puspusan ang naging paghahanda ni Jane para sa kanyang role na kinasasabikan na umanong mapanood ng marami

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado ang pinakabagong Darna na si Jane De Leon na talagang naging emosyonal siya nang maisuot ang kanyang costume para sa nasabing karakter.

Jane De Leon, naging emosyonal nang isuot ang Darna costume; "para siyang korona"
Jane De Leon (@imjanedeleon)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naitanong nina Ogie Diaz at Mama Loi kay Jane kung ano ang naging pakiramdam nito nang unang maisuot ang kanyang Darna costume.

"Actually nung hindi ko pa nasusot 'yung buong costume ko, 'yung helmet pa lang teary-eyed na ako," ani Jane.

Read also

Antonette Gail, sinugod sa ospital dahil sa pagkakaroon ng bartholin cyst

Nilarawan pa niya ang nasabing helmet na para umanong korona kaya ganoon na lamang ang kanyang naramdaman nang maisuot ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang puspusan din ang naging paghahanda ni Jane para sa dalawang karakter bilang Narda at Darna.

Dibdibang acting workshop ang isinagawa ni Jane para sa serye sa ilalim ng acting coach na si Rahyan Carlos.

Taong 2016 pa lamang nang mag-workshop si Jane na noo'y kinakitaan na raw ng potensyal sa pag-arte.

At bago nga siya malagak sa lock-in taping para sa serye, nag-one on one acting workshop muna siya kay Coach Carlos.

Samantala, narito ang kabuuan ng pahayag ni Jane mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Jane de Leon ay isa sa mga aktres at modelo sa bansa. Dati siyang miyembro ng girl group GirlTrends, na madalas noong mapanood sa It's Showtime. Nabigyang pagkakataon siyang makilala sa pag-arte sa ilang mga patok na teleserye sa ABS-CBN na "Halik," "La Luna Sangre," at maging sa "FPJ's Ang Probinsyano."

Read also

Francine Diaz, aminadong kinakabahan ngunit excited sa bagong serye

At ngayon, mapapanood na rin siya sa kauna-unahang proyekto kung saan siya ang bida, ang "Darna."

Sa mga nag-audition sa role na sana'y para kay Liza Soberano, siya ang napiling ihanay sa mga batikang aktres na gumanap na noon ng Darna.

Mapapanod ang Darna simula Agosto 15, bilang kapalit umano sa katatapos lamang na serye na FPJ's Ang Probinsyano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel