Francine Diaz, aminadong kinakabahan ngunit excited sa bagong serye

Francine Diaz, aminadong kinakabahan ngunit excited sa bagong serye

- Aminado si Francine Diaz na nakakaramdam siya ng kaba para sa kanyang bagong seryeng Dirty Linen

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Gayunpaman, nakakaramdam din siya ng excitement dahil marami siyang bagong makakasama

- Bukod sa project na ito, excited na umano siyang makasama sa locked-in taping ang kanyang bagong family sa bagong serye

- Nakatakdang magkasama sina Francine at Seth Fedelin sa naturang serye

Kinakabahan daw si Francine Diaz para sa kanyang bagong serye na Dirty Linen. Sa panayam sa kanya ng Star Magic Inside News, inamin niyang nakakaramdam din siya ng excitement na makasama niya ang kanyang bagong family sa naturang serye.

Francine Diaz, aminadong kinakabahan ngunit excited sa bagong serye
Francine Diaz, aminadong kinakabahan ngunit excited sa bagong serye (@francinesdiaz)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, kinakabahan siya dahil matagal din ang kanyang huling serye na noong Pebrero pa umano.

Makakasama niya sa naturang serye ang kasamahan niya sa Gold Squad na si Seth Fedelin na dating kapareha ni Andrea Brillantes. Kamakailan lang nang ipakilala sa publiko ang bagong tambalan nila ni Seth.

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ding mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel