Acting Coach ni Jane De Leon, Hollywood style workshop ang pinaranas sa aktres

Acting Coach ni Jane De Leon, Hollywood style workshop ang pinaranas sa aktres

- Dumaan sa matinding paghahanda si Jane De Leon bilang bagong 'Darna'

- Sumailalim siya sa one-on-one workshop kay Rahyan Carlos na inaabot ng nasa anim na oras sa isang araw, sa loob ng isang linggo

- Ayon sa acting coach, hollywood style workshop ang pinaranas niya sa aktres

- Taong 2016 pa lamang, kinakitaan na ng potensyal si Jane na masipag na noong dumalo ng acting workshop na siyang naging daan sa pag-usbong ng kanyang career sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Talagang pinaghandaan nang husto ni Jane De Leon ang kanyang teleseryeng 'Darna' na mapapanood na umano sa Agosto.

Acting Coach ni Jane De Leon, Hollywood style workshop ang ginawa sa aktres
Jane De Leon (@imjanedeleon)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na dibdibang acting workshop ang isinagawa ni Jane para sa serye sa ilalim ng acting coach na si Rahyan Carlos.

Taong 2016 pa lamang nang mag-workshop si Jane na noo'y kinakitaan na raw ng potensyal sa pag-arte.

Read also

Zia Dantes, kinagiliwan sa kanyang pag-awit ng 'Kahit maputi na ang buhok ko'

At bago nga siya malagak sa lock-in taping para sa serye, nag-one on one acting workshop muna siya kay Coach Carlos.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Umaabot kami ng almost everyday, in about a week before sila mag-lock in, six to seven hours a day. Sabi ko kay Jane, 'sorry 'nak, hindi tayo aalis dito hangga't hindi ka mahusay'".

Talagang paiyakan umano sila sa workshop hanggang sa mapiga umano ng direktor ang aktres sa paghugot ng emosyon.

Samantala, 'chubbuck technique' ang itinuro ni Coach Rahyan kay Jane. Isa umano ito Hollywood style ng workshop sa pagtuturo ng acting sa bagong 'Darna.'

"Hindi ko siya tinantanan. Monologue pieces ng Hollywood... Difficult! As in master class monologue," ani Coach Rahyan.

Inaasahang lilitaw sa pag-arte niya sa serye ang mga paghahanda na ito Jane para sa kanyang bigating role bilang si "Narda" at "Darna"

Read also

Jane De Leon, naging emosyonal nang isuot ang Darna costume; "para siyang korona"

Narito kabuuan ng panayam ni MJ Felipe kay Coach Rahyan Carlos mula sa ABS-CBN News:

Si Jane de Leon ay isa sa mga aktres at modelo sa bansa. Dati siyang miyembro ng girl group GirlTrends, na madalas noong mapanood sa It's Showtime. Nabigyang pagkakataon siyang makilala sa pag-arte sa ilang mga patok na teleserye sa ABS-CBN na "Halik," "La Luna Sangre," at maging sa "FPJ's Ang Probinsyano."

At ngayon, mapapanood na rin siya sa kauna-unahang proyekto kung saan siya ang bida, ang "Darna."

Sa mga nag-audition sa role na sana'y para kay Liza Soberano, siya ang napiling ihanay sa mga batikang aktres na gumanap na noon ng Darna.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel