Zia Dantes, kinagiliwan sa kanyang pag-awit ng 'Kahit maputi na ang buhok ko'

Zia Dantes, kinagiliwan sa kanyang pag-awit ng 'Kahit maputi na ang buhok ko'

- Kinagiliwan ng marami ang pag-awit ni Zia Dantes ng 'Kahit maputi na ang buhok ko'

- Kinanta niya ito sa birthday celebration ng kanyang mommy Marian Rivera

- Marami ang namangha kay Zia sa husay nito sa pagkanta at maging ang piniling awitin nito

- Si Zia ay ang panganay na anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agaw-pansin online ang video ni Zia Dantes na kumakanta ng 'Kahit maputi na ang buhok ko' na sinulat at orihinal na inawit ni Rey Valera.

Nalaman ng KAMI na kuha ang video ng ninang nito na si Ana Feleo na sobrang proud sa kanyang inaanak.

Zia Dantes, kinagiliwan sa kanyang pag-awit ng 'Kahit maputi na ang buhok ko'
Marian Rivera kasama ang anak na si Zia (@marianrivera)
Source: Facebook

"When you realize your inaanak is a budding singer, flash back to seven years ago when I was just shopping for baby clothes for her mother’s baby shower. I’m so proud of you Zia!" ang bahagi ng caption ni Ana sa kanyang post.

Read also

Anak nina Korina Sanchez at Mar Roxas, kinaaliwan sa pagiging matatas sa Wikang Hiligaynon

Nakamamangha ang husay ni Zia sa pag-awit na talagang nakasasabay sa kanta.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Umani ito ng papuri sa mga netizens na maging ang mag-asawang sina Marian at Dingdong ay kanila ring nabati.

"Nasa dugo na ni Zia ang maging performer! Ang galing"
"Mahusay na bata. Hindi malayong mapasok na rin siya sa showbiz sa darating na panahon"
"So adorable, iba ang charm niya habang kumakanta"
"Very talented Zia! Tapos ang ganda rin ng song. Hindi mo aakalaing kakantahin ng tuld niya."
"Siguradong super proud parents sina Dingdong at Marian, they raise her so well"

Narito ang kabuuan ng video:

Si Maria Letizia Dantes o mas kilala bilang si Zia ay anak ng mga kilalang artista sa Pilipinas na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Ipinanganak si Zia noong November 23, 2015, halos isang taon matapos maganap ang kasalan nina Marian at Dingdong noong December 30, 2014.

Read also

Andre Yllana sa amang si Jomari; "May mga bagay kasi na it's too late na"

Bukod sa pag-awit, kinagigiliwan din ng marami si Zia dahil sa pagtugtog nito ng musical instruments tulad ng ukelele.

Ilang video din nito ang ibinahagi ng kanyang mama Marian kung saan makikitang marunong na rin sa gawaing bahay ni Zia. Dahil dito, talagang sobrang proud sa kanya ang kanyang magulang lalo na at mabuting ate rin ito sa kanyang kapatid na si Ziggy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel