Anak nina Korina Sanchez at Mar Roxas, kinaaliwan sa pagiging matatas sa Wikang Hiligaynon

Anak nina Korina Sanchez at Mar Roxas, kinaaliwan sa pagiging matatas sa Wikang Hiligaynon

- Binahagi ni dating Sen. Mar Roxas ang video ng dalawang anak na kilala bilang sina Pepe at Pilar

- Sa kanyang post ay makikita ang mga anak niyang aliw na aliw sa paglalaro nila sa lupa

- Marami din ang nakapansin sa pagiging bibo at matatas ng mga ito na magsalita sa Wikang Hiligaynon

- Bukod pa dito hinangaan ang parenting style ng mag-asawa sa kanilang mga anak sa kabila ng kanilang katayuan sa buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan sina Pepe at Pilar sa video na binahagi ni dating Sen. Mar Roxas. Sa kanyang post ay makikita ang mga anak niyang aliw na aliw sa paglalaro nila sa lupa at nakikipag-usap sa kanilang ama sa wikang Hiligaynon.

Anak nina Korina Sanchez at Mar Roxas, kinaaliwan sa pagiging matatas sa Wikang Hiligaynon
Anak nina Korina Sanchez at Mar Roxas, kinaaliwan sa pagiging matatas sa Wikang Hiligaynon (@korina)
Source: Facebook

Marami din ang humanga sa parenting style ng mag-asawa dahil sa kabila ng estado nila sa buhay ay hinahayaan ng mga ito na makapaglaro ang anak nila kahit pa sa lupa. Bukod sa pagiging matatas ng kambal sa pagsasalita sa Wikang Hiligaynon, marami din ang bumilib sa mga salitang alam ng mga ito.

Read also

Zia Dantes, kinagiliwan sa kanyang pag-awit ng 'Kahit maputi na ang buhok ko'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang ilan sa mga koment ng netizens:

Refreshing to see your parenting style despite your status! Not the usual where parents insist kids to speak english and just okay to play muds. Hats off!
Thanks very much for sharing Sec Mar, the twins are a joy to watch. It's sweet they speak in a mixture of English, Tagalog & your local dialect. As kids should do in our country & not trying hard to make them speak English only.
Literally DOWN TO EARTH. A Joy to watch and listen. Who would have thought they are SANCHEZ-ROXAS. Hatts off to the upbringing

Si Korina Sanchez ay isang award-winning Filipina broadcast journalist, newspaper columnist, radio anchor, senior field correspondent, TV news anchor, at magazine show host. Kinaaliwan ng mga netizens ang mga ibinabahagi ni Korina Sanchez na mga litrato at video ng kanyang kambal na anak na sina Pepe at Pilar. Kamakailan lang ay nagdiwang ang mga ito ng kanilang ikalawang taong kaarawan.

Read also

Matteo Guidicelli, nagsalita na sa isyu: "Nothing should be taken personally"

Ibinahagi ni Korina ang kanyang pasasalamat sa Panginoon na hindi siya tinatamaan ng COVID sa kabila ng pagtaas ng kaso ng nagkakaroon nito sa kasalukuyan. Patanong naman ang kanyang pahayag na pinagpala siya dahil sa dami ng kanyang tinutulungan. Dahil dito ay umani ng mga reaksiyon ang kanyang caption na kinalaunan ay pinalitan niya rin dahil aniya sa kanyang "miscalculated words" sa kanyang caption. Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay maraming kilalang mga personalidad ang tinamaan ng COVID kabilang na ang mga kagaya niyang journalists.

Marami ang naaliw sa video na ibinahagi ni Korina Sanchez sa kanyang Instagram account. Ibinida niya ang kanyang kambal na sina Pepe at Pilar na nakikipag-usap sa kanya gamit ang salitang Ilonggo. Maging si Korina ay nagtanong pa sa kasama nila sa bahay kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ng kanyang mga anak. Ang mga magulang ni Mar Roxas ay parehas na Ilonggo na nagmula sa Negros Occidental at sa Roxas, Capiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel