Korina Sanchez, pinalitan ang aniya'y "miscalculated words" niya sa IG caption

Korina Sanchez, pinalitan ang aniya'y "miscalculated words" niya sa IG caption

- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Korina Sanchez ang kanyang pasasalamat sa Panginoon na hindi siya tinatamaan ng COVID sa kabila ng pagtaas ng kaso ng nagkakaroon nito sa kasalukuyan

- Patanong naman ang kanyang pahayag na pinagpala siya dahil sa dami ng kanyang tinutulungan

- Dahil dito ay umani ng mga reaksiyon ang kanyang caption na kinalaunan ay pinalitan niya rin dahil aniya sa kanyang "miscalculated words" sa kanyang caption

- Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay maraming kilalang mga personalidad ang tinamaan ng COVID kabilang na ang mga kagaya niyang journalists

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Minabuti ni Korina Sanchez-Roxas na palitan ang kanyang naunang Instagram caption matapos itong umani ng mga komento mula sa mga netizens. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Korina Sanchez ang kanyang pasasalamat sa Panginoon na hindi siya tinatamaan ng COVID sa kabila ng pagtaas ng kaso ng nagkakaroon nito sa kasalukuyan.

Read also

Makulit na 'summary ng 2021' love story ng mister at manager ng Jollibee, nagpakilig sa netizens

Korina Sanchez, pinalitan ang aniya'y "miscalculated words" niya sa IG caption
Korina Sanchez-Roxas (@korina)
Source: Instagram

Patanong naman ang kanyang pahayag na pinagpala siya dahil sa dami ng kanyang tinutulungan.

IMAGINE. Lahat nagka covid na. Ako never pa. And Im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?”

Sa kanyang panibagong caption ay tinanggal na nito ang tungkol sa kanyang tinutulungan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Thank you Lord. So many sick and infected. Ive never been positive—- even as Im all over for work I have to do. Frontliner pa ako ngayon sa househelp and driver ko. Help me help others through this pandemic. Kaya natin ito.”

Nilinaw niya din na hindi naman ibig sabihin nagkulang o hindi blessed ang nagkakasakit.

Lahat ng hindi nadadapuan ay blessed ng heal the na dapat ipagpasalamat. Hindi naman ibig sabihin nagkulang o hindi blessed ang nagkakasakit. Ano ang koneksyon. Thanks. baka sensitive lang sila. OR MGA TROLLS as I discover.

Read also

Candy Pangilinan, tinamaan ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon

Si Korina Sanchez ay isang award-winning Filipina broadcast journalist, newspaper columnist, radio anchor, senior field correspondent, TV news anchor, at magazine show host.

Kinaaliwan ng mga netizens ang mga ibinabahagi ni Korina Sanchez na mga litrato at video ng kanyang kambal na anak na sina Pepe at Pilar. Kamakailan lang ay nagdiwang ang mga ito ng kanilang ikalawang taong kaarawan.

Kinaaliwan din ang ibinahaging video ng news anchor kung saan makikita ang bonding moment ng kanyang mag-aama.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel