Kilalang Psychic na si Jovi Vargas, may payo kay Kris Aquino; "Health muna"

Kilalang Psychic na si Jovi Vargas, may payo kay Kris Aquino; "Health muna"

- Nagbigay pahayag ang kilalang psychic sa bansa na Jovi Vargas patungkol sa kalagayan ni Kris Aquino

- Aniya, mas mainam talagang tutukan na lamang ni Kris ang kalusugan kaysa sa iba pang aspeto ng kanyang buhay tulad ng showbiz at pulitika

- Hiniling din ni Jovi na ipagdasal si Kris sa pagpapagamot at pagpapagaling nito

- Lalo na at medyo bumibigay na rin daw umano ang katawan nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay ng kanyang pahayag ang kilalang psychic sa bansa na si Jovi Vargas patungkol sa kalagayan ngayon ni Kris Aquino.

Kilalang Psychic na si Jovi Vargas, may payo kay Kris Aquino; "Health muna"
Jovi Vargas (Photo from Aiko Melendez)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa napag-usapan nila sa panayam sa kanya ni Quezon City councilor Aiko Melendez.

Ayon kay Jovi, nararapat lamang umanong mas pagtuunan ni Kris Aquino ang kanyang kalusugan at hindi ang iba pang aspeto ng kanyang buhay tulad ng showbiz o maging ang pulitika.

Read also

Kiray Celis, binigyan ng P63K ang amang nagdiwang ng ika-63 taong kaarawan

"Mas tutukan na lang muna niya ang health issue niya Kesa makialam pa siya sa issue tungkol sa politics, sa showbiz, Mas gusto ko na yun muna ang bigyan niya ng sarili yung katawan niya," ani Jovi.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aniya, may nababalita umanong nakukulam si Kris kaya naman ganoon na lamang ang tindi ng sinapit ng kalusugan nito subalit sa umano'y nakikita ni Jovi, sakit talaga ang nagpapahirap sa 'Queen of all Media.'

"Sakit naman talaga, hindi naman talaga 'yung dinadaan sa kulam. So kailangan talaga more on makakita talaga ng lunas sa sakit niya," dagdag ni Jovi.

Hiling din niya ang dasal ng mga taong nagmamahal sa kaibigan din niya umanong si Kris lalo na at nilarawan niyangmedyo bumibigay na umano ang katawan nito.

"I hope lahat ng nagmamahal sa kaibigan naming si Kris ay magdasal, dahil malaking tulong ang dasal talaga"

Read also

Yassi Pressman, binahagi ang kanyang vlog kung saan kasama niya si Alex Gonzaga

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Jovi na mapapanood sa YouTube channel ni Aiko Melendez:

Matatandaang sa unang beses na naging panauhin ni Aiko sa kanyang YouTube channel si Jovi Vargas, sinabing nahulaan umano nito ang relasyon nina Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista.

Naitanong naman ni Aiko kung si Herbert na ba ang makakatuluyan ni Ruffa lalo na at deserve namang sumaya ng kanyang kumare.

Nasabi ni Jovi ang tungkol sa past ng aktor na maaring maging hadlang sa relasyon ng dalawa maliban na lamang kung mapaninindigan daw ito ni Herbert.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel