Kiray Celis, binigyan ng P63K ang amang nagdiwang ng ika-63 taong kaarawan

Kiray Celis, binigyan ng P63K ang amang nagdiwang ng ika-63 taong kaarawan

- Sinorpresa ni Kiray Celis ang ama sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-63 taong kaarawan

- Bukod sa alahas ay nagbigay si Kiray ng pera na umabot sa P63,000 na ibinase sa edad ng ama niya

- Ani Kiray, okay lang sa kanya kahit maubos ang ipon niya s mga money cake na binibigay niya sa mga magulang tuwing kaarawan ng mga ito

- Nagpapasalamat umano siya sa karagdagang taon na binibigay sa kanyang mga magulang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Kiray Celis, ayos lang sa kanya na maubos ang ipon niya sa kakabigay ng money cake tuwing nagdiriwang ng kaarawan ang kanyang mga magulang. Nagpapasalamat umano siya sa karagdagang taon na binibigay sa kanyang mga magulang.

Kiray Celis, binigyan ng P63K ang amang nagdiwang ng ika-63 taong kaarawan
Kiray Celis, binigyan ng P63K ang amang nagdiwang ng ika-63 taong kaarawan (@kiraycelis)
Source: Instagram

Sa kanyang binahaging video ay talong cake ang inihanda niya kung saan nakatago ang kanyang sorpreso. Isa sa mga ito ay walang laman at ang isa naman ay naglalaman ng gintong alahas. Ang pangatlong cake naman ang naglalaman ng perang umabot sa P63,000 na ibinase ni Kiray sa edad ng ama.

Read also

Kilalang Psychic na si Jovi Vargas, may payo kay Kris Aquino; "Health muna"

63K sa 63 years old birthday boy! Maubos man ang ipon ko sa kakapa money cake sainyo every birthday niyo ni mama, okay lang. sobrang thankful at blessed ako taon taon na nadadagdagan lagi ang buhay niyo. Mahal na mahal ko kayo papa at mama!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang aktres at komedyanteng si Kiray Celis o si Johanna Ismael Celis sa totoong buhay ay sumikat sa industriya ng showbiz nang manalo siya patimpalak na Muntíng Miss U sa noontime show na MTB. Siya ay na-discover sa edad na 4 na taon. Naging isa din siya sa original cast ng Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

Matatandaang sa isa sa pinakabagong vlog ni Kiray ay pinakita niya ang pagpapatattoo ng kanyang boyfriend. Kinakiligan ito ng mga netizens at marami sa mga ito ang napa-"sana all." Kamakailan ay minabuti din ni Kiray na linawin ang mga isyu kaugnay sa mga pictures niya kasama ang modelong si Kirst Viray na dati na ring naiugnay sa kanya.

Samantala, sa pagpanaw ng sikat na celebrity stylist at makeup artist na si Fanny Serrano, isa si Kiray sa nagpahayag ng kanyang kalungkutan. Inalala niya kung paano sila ng kakilala ng sikat na stylist na aniya ay pinahanap talaga siya. Ito ay matapos mabalitaan ni Fanny ang tungkol sa pambu-bully umano sa kanyang make-up at nalagay siya bilang isa sa worst dressed sa isang ball. Ani Kiray, iyon ang naging simula ng lahat kaya mami-miss niya ang kanyang Tito Fanny na tinuturing niyang kanyang fairy godmother.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel