Jane De Leon, nagpaliwanag tungkol sa snubbing issue

Jane De Leon, nagpaliwanag tungkol sa snubbing issue

- Nagpaliwanag si Jane De Leon kaugnay sa nag-viral na video tungkol sa diumano'y pang iisnab niya

- Aniya, hindi napanood ng netizens ang buong video at spliced ang video na nilabas online

- Dagdag pa ni Jane, lingid sa lumalabas ay pumunta siya sa mga fans para makapagpa-picture sa kanya ang mga ito

- May video daw siya ng pangyayari at iniisip niya kung dapat daw ba niya ilabas ang kanyang video

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Minabuti ni Jane De Leon na linawin ang tungkol sa nilabas na video tungkol sa umano'y pang iisnab niya. Sa panayam ni MJ Marfori, sinabi niya na hindi buo ang video na nilabas.

Jane De Leon, nagpaliwanag tungkol sa snubbing issue
Jane De Leon, nagpaliwanag tungkol sa snubbing issue (@imjanedeleon)
Source: Instagram

Nilinaw ni Jane na pumunta siya sa mga fans at may video daw siya niyon. Iniisip daw niya kung ilalabas niya ang video niya.

Read also

Rhian Ramos, umalma sa aniya'y uncomfortable video ni MMD kasama si Anne Jakrajutatip

Dagdag pa ni Jane, hindi talaga dapat paniwalaan ang lahat ng nasa social media.

Sabi ko don't believe social media. Don't believe yung mga nangyayari sa social media kasi hindi nila alam ine-edit out.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Natatawa na lang daw si Jane dahil alam daw niyang nakipag-interact siya sa mga fans.

Si Jane Florence Benitez De Leon o mas kilala bilang si Jane De Leon ay isang Filipino actress, singer, model, at dancer. Sumikat siya at nakilala nang husto sa kanyang pagganap bilang si Darna sa seryeng "Mars Ravelo's Darna". Ilan sa mga TV shows na kinabilangan niya ay Halik, Ang Probinsyano, It's Showtime at ASAP.

Si Jane ang isa sa pinakapinag-uusapang artista sa kasalukuyan sa pagsisimula ng kanyang bagong serye na "Mars Ravelo's Darna" sa ABS-CBN. Sa pinakahuling episode ay nag-transform na at nakitang lumipad si Jane bilang si Darna. Binahagi niya sa social media ang reaksiyon ng kanyang pamilya. Makikitang emosyonal ang kanyang ina.

Read also

Maxene Magalona, nag-repost ng 'forgive your parents' quote

Sa paglabas naman ng official poster ng "Mars Ravelo's Darna" kung saan makikita ang bidang si Jane na nakasuot ng kanyang Darna costume, umani ng mga papuri ang palabas at maging ang mahusay na pagganap ng mga artista sa naturang serye. Binahagi din ito ni Jane sa kanyang sariling social media pages at umani ito ng mga positibong reaksiyon at mga komento.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel