Cristy Fermin sa nababalitang hiwalayan nina Chiz at Heart; "Wife pa rin siya ni Chiz"

Cristy Fermin sa nababalitang hiwalayan nina Chiz at Heart; "Wife pa rin siya ni Chiz"

- Hindi umano naniniwala si Cristy Fermin sa mga napapabalita kamakailan na hiwalayan nina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista

- Ito ay dahil sa pagtanggal 'di umano ni Heart ng 'Escudero' sa kanyang social media na apelyido ni Chiz

- Umugong din ang napansin ng netizens na wala raw ang wedding ring ng dalawa sa ilang kuha kay Heart na kita ang kamay nito

- Gayunpaman, makikita pa rin ang 'wife' sa kanyang Instagram status kaya naman wala umanong katotohanan ang balitang hiwalayan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga tinalakay nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Wendell Alvarez sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! ngayong Agosto 20 ay ang maugong na balitang sinusubok umano ang relasyon nina Senator Chiz Escudero at aktres na si Heart Evangelista.

Cristy Fermin sa napapabalitang hiwalayan nina Senator Chiz at Heart Evangelista
Cristy Fermin ( Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nagmula umano ito sa pagtanggal ni Heart ng 'Escudero' sa kanyang Instagram at tanging 'Heart Evangelista' na lamang ang kanyang ginagamit.

Read also

Andrea Torres, tahimik pa rin sa hiwalayan nila noon ni Derek; "Walang maidudulot na mabuti"

Naroon din na napapansin ng ilang mga netizens ang mga larawan ng aktres na kita ang kanyang kamay na tila hindi raw sinusuot ni Heart ang wedding ring nila ni Chiz.

At ang pinakamasaklap na itinuturo umanong posible na maging dahilan ay ang hindi parin pagdadalang-tao ni Heart matapos ang ilang taon niyang pagpapakasal sa senador.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Pangit naman kung huhusgahan natin, napaka-personal nito... Siguro may problema sa kanilang dalawa kaya hindi sila nagkakaroon ng anak. Pero ang alam ko, nagdadalang-tao naman si Heart kaya lang nagmimiscarriage 'di ba so ibig sabihin, hindi siya baog?" paliwanag ni Cristy.

"Wala akong nararamdamang hiwalayan... Hindi magiging dahilan 'yun ng hiwalayan," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin isa sa mga beteranang showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Read also

Cristy Fermin sa umano'y kalagayan ni Julia Montes; "Alam namin 'pag nagdadalang-tao"

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbabahagi ng pinakabagong balita sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Kamakailan, ibinahagi ni Cristy Fermin ang biyayang natanggap nila sa YouTube kung saan nagkamit na ito ng silver play button.

Matatandaang sa YouTube channel din na ito ni Cristy nasabi na buntis 'di umano ang aktres na si Julia Montes.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel