Buboy Villar, binahagi ang kanyang paghatid sa anak sa school

Buboy Villar, binahagi ang kanyang paghatid sa anak sa school

- Binahagi ni Buboy Villar ang kanyang paghatid sa panganay na anak na si Vlanz sa paaralan nito

- Makikita na naiiyak pa ito dahil natatakot na bakaiwanan siya ng kanyang ama kaya naghintay lang doon si Buboy

- Sinasanay umano ni Buboy si Vlanz sa pagpasok sa paaralan para hindi ito manibago

- Matatandaang sa naibahagi noon ni Buboy ang madamdaming paghatid niya sa mga anak sa airport para makapunta ang mga ito sa Amerika para maayos ang kanilang citizenship

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinabiliban si Buboy Villar sa pagiging hands-on nito sa pag-aasikaso sa kanyang mga anak. Sa isang panibagong video ay binahagi niya ang kanyang paghatid kay Vlanz sa paaralan niya.

Buboy Villar, binahagi ang kanyang paghatid sa anak sa school
Buboy Villar, binahagi ang kanyang paghatid sa anak sa school (@buboyvillar)
Source: Instagram

Makikita ang pangingilid ng luha ni Vlanz dahil natatakot ito na baka iwan umano siya ni Buboy. Para lumakas ang loob ng anak ay siniguro niyang naroon lang siya at naghihintay sa kanya.

Marami naman sa mga viewers ang natuwa kay Buboy sa pagiging hands-on nito sa mga anak:

Naiiyak ako na makitang nililingon ka ni Vlanz, Bok. Natatakot siyang malayo ka na naman.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Isa kang ulirang ama buboy nkaka hanga ka Sana tularan ka ng ibang kabataan na maagang nagasawa peru tinakbuhan responsibilidad bilang isang tatay.Godbless u more buboy
Happy ako dahil kasama mo ulit ang mga anak mo..grabe iyak mo nung hinatid mo c vlanz sa airportGodbless idol

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008. Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017. Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Noong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn. Sa kasalukuyan ay naroroon ang kanilang dalawang anak na si Vlanz at George sa poder ng kanilang ina. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Buboy na kahit malungkot siya ay naiisip niyang ginagawa niya ito para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel