Buboy Villar, nagbihis bilang si Elsa para sa birthday ng kanyang anak

Buboy Villar, nagbihis bilang si Elsa para sa birthday ng kanyang anak

- Kinaaliwan si Buboy Villar sa kanyang pagbihis bilang si Elsa ng animated film ng Disney na "Frozen"

- Bukod sa pagsuot niya ng wig ay nag-perform din siya ng sayaw sa saliw ng tugtog na "Let it Go"

- Nang tanungin niya ang anak na si Vlanz na nakabihis Elsa din kung nagustuhan niya ang ginawa ng kanyang papa, agad naman itong umo-o

- Biro pa ni Buboy, wala siyang makuhang magperform bilang si Elsa kaya siya na lang umano ang gumawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Todo-effort si Buboy Villar para mapasaya ang kanyang anak na si Vlanz sa pagdiriwang nito ng kanyang kaarawan. Kinaaliwan siya sa kanyang pagbihis bilang si Elsa ng animated film ng Disney na "Frozen."

Buboy Villar, nagbihis bilang si Elsa para sa birthday ng kanyang anak
Buboy Villar, nagbihis bilang si Elsa para sa birthday ng kanyang anak (@buboyvillar)
Source: Instagram

Nang tanungin niya ang anak na si Vlanz na nakabihis Elsa din kung nagustuhan niya ang ginawa ng kanyang papa, agad naman itong umo-o. Aniya, siya na lang umano ang nag-perform dahil wala siyang makuha na magperform bilang si Elsa. Narito ang komento ng kanyang mga viewers:

Happy birthday sa mga chikiting mo bok..God bless you always..at SALUTE sau for being a responsible father ..iloveyou..
Best tatay. Nakakaproud sobra Gagawin lahat maging happy lang anak niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Grabe ata mag buhat si elsa ngayon ah. Haha!

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008. Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017. Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Noong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn. Sa kasalukuyan ay naroroon ang kanilang dalawang anak na si Vlanz at George sa poder ng kanilang ina. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Buboy na kahit malungkot siya ay naiisip niyang ginagawa niya ito para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel