Pambansang Kolokoy, nakiusap na huwag nang pakialaman ang kanilang pribadong buhay

Pambansang Kolokoy, nakiusap na huwag nang pakialaman ang kanilang pribadong buhay

- Nakiusap si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy sa mga netizens na sana umano ay i-enjoy na lang ang ginagawa niyang content

- Aniya, hindi naman niya mapipigil ang mga netizens kung mag-unsubscribe ang mga ito sa kanya dahil lang sa paghihiwalay nila

- Gayunpaman, aniya sana ay huwag nang pakialaman ang tungkol sa pribadong buhay nila

- Matatandaang kamakailan lang ay binahagi nito ang tungkol sa kanilang paghihiwalay at pagkakaroon niya ng bagong karelasyon at aniya ay masaya sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakiusap si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy na kung maari ay huwag na lang pakialaman ang pribadong buhay nila. Kasunod ito ng pagsasapubliko niya ng paghihiwalay nila ng asawang si Marites Mondina matapos ang mahigit 20 taong pagsasama.

Pambansang Kolokoy, nakiusap na huwag nang pakialaman ang kanilang pribadong buhay
Pambansang Kolokoy, nakiusap na huwag nang pakialaman ang kanilang pribadong buhay (@pambansang_kolokoy)
Source: Instagram

Sa kanyang bagong video na binahagi, makikitang nakikipagbiruan naman sa kanya si Marites. Aniya, hindi naman niya mapipigilan ang mga taong nagsasabing mag-uunsubscribe na sa kanya kasunod ng kanyang binahaging update sa kanilang buhay.

Read also

Payo ni Pambansang Kolokoy noon, muling binalikan ng netizens

Gayunpaman, aniya ay sana i-enjoy na lamang ng mga netizens ang mga video na kanyang ginagawa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.

Matatandaang inamin ni Joel Mondina sa pamamagitan ng isang video ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Marites Mondina. Aniya, ayaw pa sana niya magsalita dahil may prosesso silang ginagawa ngunit marami umano ang nagtatanong kung bakit hindi na kasama si Marites sa mga video na binahagi ni Joel. Inamin niya din na mayroon siyang bagong karelasyon sa kasalukuyan at masaya umano sila. Nilinaw din niyang maayos ang kalagayan ng kanilang mga anak at hindi umano siya pabayang ama.

Samantala, matapos lamang ang ilang araw na rebelasyon ng kanilang hiwalayan, nagkasama muli sa vlog sina Pambansang Kolokoy at Marites. Marami raw umano sa kanilang mga subscribers ang nakaka-miss kay Marites kaya naman pinagbigyan nila itong makita muli. Nagbigay mensahe rin si Pambansang Kolokoy sa mga balak na mag-unsubscribe sa kanya dahil sa nangyari.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel