Jayjay Helterbrand, ibinistong gustong-gusto ni RR Enriquez ang mga bashers; "She likes it"

Jayjay Helterbrand, ibinistong gustong-gusto ni RR Enriquez ang mga bashers; "She likes it"

- Ibinisto ni Jayjay Helterbrand reaksyon ng partner niyang si RR Enriquez tuwing may bashers ito

- Taliwas umano sa reaksyon ng iba, natatawa lang si RR sa mga taong namba-bash sa kanyang pagiging 'Sawsawera Queen'

- Ayon naman kay Rico Maierhofer, hindi naman dapat na i-bash si RR gayung dapat pa nga itong hangaan sa mga narating na nito sa buhay

- Kamakailan kasi ay naging maingay ang pangalan ni RR sa pagsawsaw umano nito sa isyu na wala pa ring label ang relasyon ng mga Kapuso stars na sina Ruru Mardrid at Bianca Umali

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinisto ng dating PBA superstar na si Jayjay Helterbrand na gustong-gusto pala ng partner niyang si RR Enriquez ang pagkakaroon ng mga bashers.

Jayjay Helterbrand, ibinistong gustong-gusto ni RR Enriquez ang mga bashers; "She likes it"
Jayjay Helterbrand at RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na taliwas sa mga nagiging reaksyon ng ilang mga celebrities, natatawa lamang umano si RR sa tuwing nakatatanggap siya ng bashing.

Read also

RR Enriquez, may pahabol mensahe sa ama ni Ruru Madrid; "Nagbigay lang po ako ng honest opinion"

"Ito bro, she likes it when she has bashers. Kaya siya nag-eenjoy, Gustong- gusto niya 'yan," nabanggit nit Jayjay nang maging panauhin sila ni Rico Maierhofer sa YouTube channel ni RR.

"'Yung mga bashers talaga akala nila napipikon ako pero natatawa ako," dagdag pa ni RR.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon naman kay Rico, hindi dapat na i-bash si RR kundi dapat pa nga itong hangaan sa mga narating na nito sa buhay.

"Instead na i-bash niyo, idolize niyo. Siyempre lahat naman tayo gusto natin mag-travel, gusto natin pahiga-higa lang. So dadating 'yung point na 'yun by hardwork. So pinagdaanan mo na 'yung hardwork kaya ini-enjoy mo na," paliwanag ni Rico.

Narito ang masaya nilang kwentuhan mula sa YouTube channel na RR ENRIQUEZ Sawsawera Queen:

Si RR Enriquez ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa ABS-CBN tulad ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae. Subalit mas pinili ni RR ang pagtuunan ng pansin ang kanyang mga negosyo hanggang sa ngayon.

Read also

Doc Willie Ong, naikwentong sumailalim noon sa hosting workshop ni Boy Abunda

Kamakailan, nabansagan siya bilang 'Sawsawera Queen' dahil sa nadadalas nitong pagbibigay komento sa iba't ibang isyu lalo na sa showbiz. At dahil marami rin ang natuwa sa kanyang pagiging 'sawsawera', naging aktibo na rin siya sa kanyang YouTube channel kung saan mas malaya siyang nabibigyang komento ang mga latest intriga sa showbiz.

Isa na rito ang nasawsawan niyang isyu tungkol sa umano'y walang label na relasyon nina Ruru Madrid at Bianca Umali. Ang tatay kasi ni Ruru na si Bhong Madrid ang nag-post at nagkaroon ng komento ukol dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel