RR Enriquez, may pahabol mensahe sa ama ni Ruru Madrid; "Nagbigay lang po ako ng honest opinion"

RR Enriquez, may pahabol mensahe sa ama ni Ruru Madrid; "Nagbigay lang po ako ng honest opinion"

- May pahabol mensahe si RR Enriquez sa ama ng GMA actor na si Ruru Madrid

- Ito ay kaugnay sa naging komento ni RR sa umano'y wala pang label na relasyon nina Ruru at kapwa niya Kapuso star na si Bianca Umali

- Bilang babae, tila mahirap umano na sa apat na taon hindi pa raw masabi nina Ruru at Bianca kung ano ang estado ng kanilang relasyon

- Aminado rin si RR na tila nayabangan umano siya sa tanong ng ama ni Ruru kung artista ba siya gayung hindi rin naman daw niya kilala ang aktor kung hindi dahil sa naging isyu nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay pa ng karagdagang mensahe si RR Enriquez sa ama ni Ruru Madrid na si Bhong Madrid.

RR Enriquez, may pahabol mensahe sa ama ni Ruru Madrid; "Nagbigay lang po ako ng honest opinion"
RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga natalakay sa pinakabagong video upload niya sa kanyang YouTube channel.

Read also

Jayjay Helterbrand, ibinistong gustong-gusto ni RR Enriquez ang mga bashers; "She likes it"

Ayon kay RR, nagbigay lamang umano siya ng honest opinion kaugnay sa umano'y 'walang label' na relasyon nina Ruru at kapwa GMA star nito na si Bianca Umali.

"To be honest, nagulat talaga ako na pinost niya ako sa account niya. Siguro ako as a sawsawera I don't mind kung may magba-bash sa'kin or may magko-correct sa'kin or kung may magpo-post sa'kin pero hindi ko lang inexpect kasi lalake siya," ang bungad na komento ni RR sa post ni Bhong Madrid.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hindi ko ine-expect na ang isang lalake papatol sa isang babae. Napaka-ungentleman. For me ah, ta's tatay pa. Kaya nag-post din ako ng mahaba," dagdag pa ni RR bago basahin ang sagot niya sa post na ito ng ama ng aktor.

"Mr. Bhong Madrid, I wanted to correct you lang po. Hindi po sa'kin galing 'yung chismis. Nakisawsaw lang po ako," ani RR gayung nabasa lang din umano niya sa ibang mga news sites ang natural isyu.

Read also

Doc Willie Ong, naikwentong sumailalim noon sa hosting workshop ni Boy Abunda

"I think, before niyo po ako binash mas una niyong binash 'yung mga nag-post po nun... Nagbigay lang po ako ng honest opinion."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni RR:

Si RR Enriquez ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014.Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Kamakailan, nabansagan siya bilang 'Sawsawera Queen' dahil sa nadadalas nitong pagbibigay komento sa iba't ibang isyu lalo na sa showbiz. At dahil marami rin ang natuwa sa kanyang pagiging 'sawsawera', naging aktibo na rin siya sa kanyang YouTube channel kung saan mas malaya siyang nabibigyang komento ang mga latest intriga sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel