RR Enriquez sa sweet photos nina Skusta at Ava: "Sa totoo lang 'di siya nakaka-proud"

RR Enriquez sa sweet photos nina Skusta at Ava: "Sa totoo lang 'di siya nakaka-proud"

- Nagbigay komento si RR Enriquez tungkol sa mga sweet photos nina Skusta Clee at Ava Mendez

- Agaw-eksena ang mga larawan na gumulantang sa publiko gayung inakala ng marami na si Aira Lipata ang nali-link umano kay Skusta

- Ani RR, hindi nakaka-proud ang mga sweet photos ng dalawa lalo na at kilala umanong babaero si Skusta

- Maging siya ay nagtataka kung bakit nagawa pa rin itong patulan ng mga babae gayung alam ng publiko ang nangyari sa kanila ng dating partner nitong si Zeinab Harake

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nakawala kay Sawsawera Queen RR Enriquez ang nag-viral na mga sweet na sweet na larawan nina Skusta Clee at Vivamax star na si Ava Mendez.

RR Enriquez sa sweet photos nina Skusta at Ava: "Sa totoo lang 'di siya nakaka-proud"
RR Enriquez
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na diretsahan ang naging pahayag ni RR sa mga larawan lalong-lalo na kay Skusta Clee.

Read also

Cristy, nabanggit ang petsa ng umano'y paghaharap nina Mommy Divine at kanyang complainant

Aniya, hindi raw dapat na maging proud ang babaeng nakakarelasyon o nali-link dito gayung alam ng mga ito ang umano'y nagagawa ni Skusta sa mga nagiging karelasyon.

"Lalo na kung alam nating babaero, Okay lang naman kung alam nating hindi naman kagwapuhan. Pero hindi ka na nga kawapuhan babaero ka pa. Parang hindi nakaka-proud. Hindi mo 'yan ikinaganda girl. Hindi siya nakaka-proud sa totoo lang."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Questionnable kasi yan. Alam niyo na ngang babaero yung lalake, pinapatulan niyo pa ng pinapatulan. Anong akala niyo mapagbabago niyo siya? Kung si Zeinab nga na sobrang sèxy, sobrang ganda e hindi napagbago kayo pa? E wala naman kayo sa kalingkingan ni Zeinab. Charot!" dagdag pa ni RR.

Gayunpaman, hayagan din niyang nasabi na maaring ang isang rason bakit mayroon pa ring nakikipagrelasyon kay Skusta sa kabila ng kanyang imahe ay ang umano'y kasikatan nito. Sa ganitong paraan, mapag-uusapan lalo na sa social media.

Read also

Andrew Schimmer, emosyonal sa huling Christmas picture na kasama ang namayapang fiancée

Narito ang kabuuan ng pahayag ni RR mula sa kanyang YouTube channel na RR ENRIQUEZ Sawsawera Queen:

Isa na ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang vlog ni RR Enriquez sa kanyang YouTube channel. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz.

Si RR ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014. Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel