Alex Gonzaga, nanganganib umano sa mga endorsements ani Cristy Fermin

Alex Gonzaga, nanganganib umano sa mga endorsements ani Cristy Fermin

- Nanganganib 'di umano si Alex Gonzaga sa kanyang mga endorsement ayon kay Cristy Fermin

- Ito ay dahil sa kontrobersiyang kinaharap kamakailan ni Alex sa pamamahid ng icing ng cake sa waiter

- Bukod dito, naglabasan din ang umano'y mga testimonya ng nagpakilalang nakatrabaho ni Alex at nakasaksi umano ng ugali nito

- Ayon kina Cristy, maaring sa ngayo'y mahirapan pang makabangon si Alex sa isyu lalo na at matagal makalimot ang mga tao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila nanganganib di umano si Alex Gonzaga sa kanyang mga endorsements at sa posible pa sana nitong i-endorso nito.

Alex Gonzaga, nanganganib umano sa mga endorsements ani Cristy Fermin
Alex Gonzaga (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI isa ito sa natalakay nina Romel Chika, Wendell Alvarez at Cristy Fermin sa Showbiz Now Na!

Ayon kay Cristy, malaking bagay umano ang tinatawag na imaging sa pagkuha ng mag-eendorso ng isang produkto.

Read also

Dina Bonnevie, isiniwalat na noo'y nagalit umano si Alex Gonzaga kay Nadine Lustre

"Napakalaking pagkalugi... alam niyo po mga ka-chika, kung sa pelikula at telebisyon 'Di masyadong kumikita ang mga artista ngayon dahil sa pandemya pa rin. Sabihin na natin, talagang naapektuhan ng COVID-19. Pagdating po sa tagapag-endorso, yung TVC po na tinatawag, TV commercial, diyan sila bumabawi."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

At dahil sa tila hindi magandang imahe na naiwan ng kontrobersyal na pagpahid ng icing ng cake ni Alex sa waiter na may dala nito, malaki ang epekto nito sa kanyang karakter.

Dumagdag pa rito ang umano'y mga nagpakilalang nakatrabaho niya at nagbigay testimonya ukol sa ugali ng TV host/ actress nang makatrabao nito.

"Kumbaga sa sampung pangalan na nasa listahan, nasa dulo po si Alex ngayon. Pero pasasaan ba isang araw, huhupa rin ang mga issue. Pero mahihirapan na makalimot ang ating mga kababayan... Malaki-laking panghihinayang ito. Oportunidad itong nawala sa kanya."

Read also

Cristy Fermin sa nababalitang bagong BF ni KC: "Ito pala ay manager ng isang malaking kompanya"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Si Alex Gonzaga ay isang komedyante, host at vlogger ng Pilipinas. Siya ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Nag-trending si Alex sa Twitter kamakailan, dahil sa umano'y nagawa nito sa isang waiter sa mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Sinabing nagkausap na sina Alex, nakahingi na umano ng tawad si Alex sa naturang waiter sa pamamagitan ng isang pahayag na pirmado ng umano'y na-agrabiyado.

Sa 20th anniversary show ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga, tila napagbiruan nilang magkapatid ang tungkol sa cake. Ani Toni, birthday niya nang araw na iyon kung kailan ginanap ang kanyang concert subalit siniguro raw niyang inilayo nila ang lahat ng cake kay Alex.

Sa post mismo ni Alex bilang pagbati sa kanyang kapatid, isang netizen ang nag-suggest na magpa-cake si Alex para kay Toni. Nag-reply ito sa netizen at sinabing nilalayo talaga siya sa mga cake.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel