Cristy Fermin kay Alex Gonzaga; "Ako bilang dati mong kasama, hindi pa ako tumotodo"

Cristy Fermin kay Alex Gonzaga; "Ako bilang dati mong kasama, hindi pa ako tumotodo"

- Nag-iwan ng mensahe si Cristy Fermin kay Alex Gonzaga na kontrobersyal kamakailan

- Ito ay matapos na mahusgahan ng publiko ang pagpahid ni Alex ng icing ng cake sa noo ng waiter na nagdala nito

- Bilang dati niyang kasama sa programang Juicy, siya umano'y saksi ng ugali ni Alex kung saan nahirapan umano ang makeup artist sa kanya

- Ani Cristy, hindi pa raw ito ang todo o kasukdulan ng mga nalalaman niya umano tungkol sa TV host actress

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binigyang oras nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa programa nilang Showbiz Now Na! ang tungkol sa hindi pa rin humuhupang kontrobersiya na kinahahatrap ni Alex Gonzaga sa ngayon.

Cristy Fermin kay Alex Gonzaga; "Ako bilang dati mong kasama, hindi pa ako tumotodo"
Alex Gonzaga (@cathygonzaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na dati umanong kasama ni Cristy si Alex sa programang Juicy kaya't nasaksihan na rin niya ugali nito.

Read also

Cristy, sinabing maraming beses nang nagpapadala ng pagkain si Sarah sa ina

Naikwento nga nito na bukod sa pagiging late, madalas umano itong magpa-makeup nang nakahiga dahilan para mahirapan ang makeup artist nito sa kanya.

Matapos na humingi ng permiso sa executive producer ng kanilang programa, si Cristy na umano ang mismong nanita kay Alex ukol dito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Subalit ayon pa kay Cristy, hindi pa siya umano tumotodo ng pagbabagsak ng mga nalalaman niya tungkol kay Alex.

"Ako bilang dati mong kasama, hindi pa ako tumotodo. Marami pa tayong dapat pagkwentuhan," aniya.

"Hindi pa ako tumotodo. Dahil alam niyo naman na kapag hinihingi ng panahon ay kapiranggot lang. 'yun lang muna ang aking ibibigay,"

Nabanggit din niya na minsan na rin siyang naging tagapagtanggol ni Alex basta't alam niyang nasa tama ito taliwas sa kinakaharap na pagkakataon nito ngayon.

"At sa maraming pagkakataon, ako ay naging tagapagtanggol mo Alex Gonzaga. Dahil tama ang ginagawa mo. Pero ngayon dahil sa ginawa mong ito, sa isang kababayan natin na hindi mo alam kung ano ang nasa isip nung umalis ng bahay para magserbisyo sa birthday mo kung meron ba silang pambiling bigas, pambayad ng ilaw, ng tubig, may makakain ba ang kanyang pamilya? Kaya nga siya nagtatrabaho ta tumatanggap ng sweldo, napakababa lang kumpara sa iyong kayamanan"

Read also

Alex, tinaggihan ang suggestion ng netizen na magpa-cake para sa kanyang Ate Toni

"Kalaban mo ako dito. Manggagawang Pilipino ang kinalaban mo. Hindi pwede sa atin ito. 'Yun lang"

Gayunpaman, nilinaw naman ni Cristy na sakali mang aminin ni Alex ang pagkakamali, pinipili rin niyang tuldukan na lamang ang isyu.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Alex Gonzaga ay isang komedyante, host at vlogger ng Pilipinas. Siya ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Kasalukuyang trending si Alex sa Twitter dahil sa nagawa nito sa isang waiter sa mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan kamakailan.

Kamakailan ay nagkausap na sina Alex, nakahingi na umano ng tawad si Alex sa naturang waiter sa pamamagitan ng isang pahayag na pirmado ng umano'y naagrabiyado.

Samantala, sa naturang episode din ng Showbiz Update, pinaalalahanan din ni Ogie Diaz si Alex na maging conscious sa ikinikilos nito lalo na kung may nakatutok umano sa kanyang camera o mayroong naka-live stream sa kanyang mga kasama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel