Cristy, sinabing maraming beses nang nagpapadala ng pagkain si Sarah sa ina

Cristy, sinabing maraming beses nang nagpapadala ng pagkain si Sarah sa ina

- Isa sa naikwento ni Cristy Fermin sa Showbiz Now Na! ay ang pagpapadala umano ni Sarah Geronimo ng pagkain sa kanyang mga magulang

- Subalit, hindi raw ito tinatanggap sa gate pa lang ng subdivision na tinitirhan ng mga ito

- Maraming beses na umano itong ginagawa ng mag-asawa subalit bigo silang maiparating ito kina Mommy Divine at Daddy Delfin

- Matatandang bago halos magtapos ang taong 2022, sinubukan muli ni Sarah na isapubliko ang pagnanais na makasama muli ang mga magulang at pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! ngayong Enero 21, naikwento ni Cristy Fermin ang umano'y madalas na pagpapadala ng pagkain nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Cristy, sinabing 'di tinatanggap nina Mommy Divine ang mga pagkaing padala nina Sarah at Matteo
Matteo Guidicelli aat Sarah Geronimo (@justsarahgph)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa kasamaang palad, hindi ito nakararating sa mga magulang ni Sarah na inabisuhan na agad ang mga guard ukol sa mga pinabibigay ni Sarah sa kanila.

Read also

Alex, tinaggihan ang suggestion ng netizen na magpa-cake para sa kanyang Ate Toni

"Maraming beses nang nagpapadala ng pagkain sina Sarah at Matteo sa subdivision kung saan nakatira ang mga magulang ni Sarah," ani Cristy.

"Totoo pala 'yun. Sa gate pa lang barado na kaagad. Hindi na makatutuloy... Nakatimbre na hindi papasukin ang mga tao ni Sarah at ni Mateo. At hindi maaring iwan ang pagkain o anumang gustong ipaiwan para sa pamilya," dagdag pa nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa umano ito sa nakikita nilang paraan ni Sarah upang magkaayos na sila ng kanyang pamilya.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy, Romel Chika at Wendell Alvarez sa YouTube channel na Showbiz Now Na!

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Read also

Anak ni Freddie Aguilar, sa labas ng convenience store natutulog; natulungan ng RTIA

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa nauna nilang episode, nabanggit nina Cristy na awang-awa na umano si Matteo Guidicelli sa kanyang misis sa sitwasyon nito sa kanyang pamilya. Katunayan, ito pa raw umano ang nagpabura noon ng post ni Sarah na umano'y humihingi pa rin ng tawad sa kanyang pamilya.

Kamakailan, napag-usapan din nila sa naturang YouTube channel ang tungkol sa lungkot sa mga mata ni Sarah. Napansin din umano nina Cristy na tila sina Sarah at kanyang pamilya ang napag-iwanan sa mga hindi pa rin nagkaayos na problema sa mga showbiz personalities.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel