Anak ni Freddie Aguilar, sa labas ng convenience store natutulog; natulungan ng RTIA

Anak ni Freddie Aguilar, sa labas ng convenience store natutulog; natulungan ng RTIA

- Dumulog sa programa ni Senator Raffy Tulfo ang anak ni Freddie Aguilar na si Maegan

- Nangangailan umano siya ng tulong sa iba't ibang aspeto ng kanyang buhay

- Hiling din niya sanang makabalik sa showbiz gayung wala siya ngayong pinagkakakitaan

- Handa umano siyang magpa hair follicle test upang mapatunayang hindi siya gumagamit ng ipinagbabawal na gamot

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Humingi na ng saklolo si Maegan Aguilar sa programang Raffy Tulfo in Action. Aniya, tinamaan siya ng karamdaman at sa kasamaang palad, wala rin siya umanong hanapbuhay.

Anak ni Freddie Aguilar na si Maegan, sa labas ng convience store natutulog; natulungan ng RTIA
Senator Raffy Tulfo at Maegan Aguilar (Raffy Tulfo in Action)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na isa rin sa kanyang naging kahilingan ay ang posibilidad na makabalik pa siya sa showbiz.

Agad namang kinausap ni Senator Raffy Tulfo si Ogie Diaz, isang kilalang talent manager sa showbiz ukol dito.

Subalit busy umano si Ogie sa kanyang dalawang YouTube channel at sa karera ng iba pang mga nauna na niyang talents kaya hindi niya masasabi kung mabibigyang oras pa niya ang magkaroon pa muli ng bagong aalagaan.

Read also

Larawang kuha umano bago magsimula ang anniversary concert ni Toni Gonzaga, viral

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, nais din umanong patunayan ni Maegan na tuluyan na niyang tinalikuran ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

At upang mapatunayan nga ito, pumayag siyang magpa-hair follicle test na sagot din ng programa ni Senator Tulfo.

Sinubukan din ng RTIA na makausap ang ama ni Maegan na si Freddie Aguilar, ang batikang Folk singer sa bansa.

Nagbigay lamang ito ng pahayag at sinabing siya umano ang nagbayad ng hospital bill ni Maegan noong Nobyembre.

Paliwanag ng anak, tila kulang umano ito gayung dapat na nasa ospital pa rin siya at nagpapagaling sa karamdaman niyang hypothyroidism. Ito rin umano ang dahilan ng pagbagsak niya ng timbang at hindi ang inaakala ng marami na ang paggamit niya umano ng droga.

Gayunpaman, bago matapos ang programa, nagbigay na ng paunang tulong si Senator Raffy kay Maegan upang makahanap ito ng matutuluyan.

Read also

Chito ng Parokya ni Edgar, inanunsyo ang fundraising events para sa kabandang si Gab

Nabanggit niya kasing sa labas lamang siya ng convenience store namamahinga kasama ang asawa.

Siniguro naman ni Tulfo na matapos makuha ang resulta ng hair follicle test at negatibo ito, ibubuhos pa niya ang tulong sa dating singer.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 25 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'. Dahil sa kanyang serbisyo, pinakatiwalaan din siya ng publiko at nahirang bilang senador noong Mayo sa Eleksyon 2022.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica