Chito ng Parokya ni Edgar, inanunsyo ang fundraising events para sa kabandang si Gab

Chito ng Parokya ni Edgar, inanunsyo ang fundraising events para sa kabandang si Gab

- Isinapubliko ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda ang tungkol sa karamdaman ng kabanda nilang si Gab

- Kasalukuyan umano itong nasa ICU at nangangailangan ng tulong pinansyal

- Sa umpisa'y ayaw pa umano ni Gab na makaabala pa umano sa ibang tao subalit nagkaroon na ng komplikasyon ang kanyang karamdaman

- Dahil dito, ilang artist din ang tutulong sa Parokya ni Edgar na makalikom ng pondo para sa pagpapagamot ni Gab

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pamamagitan ng kanyang mga social media post, isinapubliko na ni Chito Miranda ang kasalukuyang pinagdaraanan ng kanyang 'best friend' at kabandang si Gabriel Chee Kee.

Chito ng Parokya ni Edgar, inanunsyo ang fundraising events para sa kabandang si Gab
Parokya ni Edgar (Chito Miranda)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na inihayag ni Chito ang pagkakaroon umano ni Gab ng lymphoma dahilan para dumaan ito sa chemotherapy.

Handa naman umano sa ganitong uri ng gamutan si Gab at kanyang pamilya subalit dala ng komplikasyon ng nasabing karamdaman, nagkaroon naman ito ng pneumonia dahilan para malagak ito sa ICU, mahigit isang linggo na ang nakalilipas.

Read also

Chito sa lagay ng kabandang si Gab; "Gabriel was diagnosed with lymphoma"

"Initially, ayaw pa rin sana ni Gab ipaalam sa lahat kasi ayaw nya talaga makaabala sa iba...but because of the situation, his partner, Kha, and his brother, Raoul, convinced Gab to allow us to inform everyone, because it would be easier for everyone to ask for assistance if the people who loved him knew what was really going on"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa rin umano ang dating bokalista ng Sugarfree na si Ebe Dancel ang nakakumbinsi kay Gab na payagan na silang tumulong sa kanya.

Dahil dito, inaasahang magkakaroon umano ng series of fundraising events ang iba't ibang local artists para sa Parokya guitarist.

"Parokya and our friends from music scene will be doing a series of fundraising gigs to help Gab out...most of which won't even be announced as fundraisers. Tahimik lang sila na tutulong. (pasenya na guys kung in-annouce ko na ha? I know that ang initial usapan natin was not to disclose the details...pero paano makakatulong yung mga nagmamahal kay Gab na nais tumulong, kung di nila alam?)"

Read also

Tweet ukol sa mga encounter kay Alex Gonzaga, nagmistulang big reveal ayon kay Ogie D

Pinasalamatan din ni Chito sina Ebe Dancel, Kamikazee, Gloc9, Shanti Dope, Flow G, Gracenote, December Ave, POT, Moonstar at maging si Moira dela Torre.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Ang Parokya ni Edgar ay isa sa mga kinikilalang banda sa Pilipinas na nabuo noong 1993. Sumikat sila sa kanilang mga novelty rock songs na magpa-hanggang ngayon ay kinakanta at tinatangkilik ng makabagong henerasyon.

Ang kanilang lead vocalist na si Chito Miranda ay naging judge na rin ng Idol Philippines Season 2. Siya ang mister ng aktres at ngayo'y matagumpay na businesswoman na si Neri Naig-Miranda.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel