Parokya ni Edgar, nagbigay ng update sa lagay ng kabandang si Gab: "He’s still at the ICU"

Parokya ni Edgar, nagbigay ng update sa lagay ng kabandang si Gab: "He’s still at the ICU"

- Nagbigay ng update ang Parokya ni Edgar sa lagay ng kabandang si Gab Chee Kee

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ngayong Valentine's Day ay nagawa nilang mabisita si Gab na kasalukuyan pa ring nasa ICU

- Gayunpaman, patuloy pa rin ang pagpapagaling nito at bumubuti ang kalagayan

- Nagpapasalamat din daw umano ito sa lahat ng mga tumutulong sa laban na ito ni Gab

Nagbigay ng update ang Parokya ni Edgar tungkol sa lagay ng kanilang kabanda na si Gabriel "Gab" Chee Kee.

Nalaman ng KAMI na kasalukuyan pa rin ito ng nasa ICU buhat nang siya'y maospital noon pang Enero ng kasalukuyang taon.

Sa post ng Parokya, sinabing 'recovering' na si Gab subalit patuloy pa rin ang gamutan nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Pirmadong gitara ng Eraserheads, pumalo sa Php1.3M ang bid para kay Gab ng Parokya ni Edgar

Parokya ni Edgar, nagbigay ng update sa lagay ng kabandang si Gab.
Parokya ni Edgar, nagbigay ng update sa lagay ng kabandang si Gab: "He’s still at the ICU"
Source: Facebook

"Hi all, we just came from visiting Gab this Valentine’s Day. He’s still at the ICU but steadily improving. Please keep sending positive vibes to him and praying for his full recovery"

Halos isang buwan na ang nakararaan nang kumpirmahin ng Parokya ni Edgar front man na si Chito Miranda ang karamdaman ni Gab, ang lymphoma dahilan para dumaan ito sa chemotherapy.

Handa naman umano sa ganitong uri ng gamutan si Gab at kanyang pamilya subalit dala ng komplikasyon ng nasabing karamdaman, nagkaroon naman ito ng pneumonia dahilan para malagak ito sa ICU.

Ayaw pa sana mismo ni Gab na humingi ng tulong iba subalit isa rin umano ang dating bokalista ng Sugarfree na si Ebe Dancel ang nakakumbinsi sa kanya na payagan na silang makalikom ng anumang halaga para sa patuloy niyang pagpapagamot.

Dahil dito, sunod-sunod na ang naging fundraising events ng kanyang banda at iba pang mga artist na handang magbigay tulong sa kanya.

Read also

Kris Aquino, naiyak sa "scary red flag" sa kanyang bagong lab results

Ang Parokya ni Edgar ay isa sa mga kinikilalang banda sa Pilipinas na nabuo noong 1993. Sumikat sila sa kanilang mga novelty rock songs na magpa-hanggang ngayon ay kinakanta at tinatangkilik ng makabagong henerasyon.

Ang kanilang lead vocalist na si Chito Miranda ay naging judge na rin ng Idol Philippines Season 2. Siya ang mister ng aktres at ngayo'y matagumpay na businesswoman na si Neri Naig-Miranda.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel