Kris Aquino, naiyak sa "scary red flag" sa kanyang bagong lab results

Kris Aquino, naiyak sa "scary red flag" sa kanyang bagong lab results

- Naibahagi ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post ang update tungkol sa kanyang kalagayan

- Aniya, sa kabila ng hindi inaasahan may scary red flag na lumabas sa kanyang lab result, naiyak siya ngunit aniya ay tama na iyon

- Nanatiling positibo ang kanyang pananaw sa kabila nito dahil aniya kung sakali mang early detection umano yung red flag na iyon ay pinagpapala pa rin siya

- Pinasalamatan niya ang lahat ng mga dasal para sa kanyang paggaling

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Kris Aquino, sinusuko niya na sa Panginoon ang lahat. Sa kanyang lab test ay mayroon umanong hindi inaasahan at scary na finding at aniya ay iniyakan niya iyon ngunit sinabi niya sa sariling tama na ang kanyang pag-iyak.

Kris Aquino, naiyak sa "scary red flag" sa kanyang bagong lab result
Kris Aquino, naiyak sa "scary red flag" sa kanyang bagong lab result (@krisaquino)
Source: Instagram

Dagdag pa ni Kris, kung sakali man daw na early detection iyon ng isang sakit na hindi auto immune ay pinagpapala pa rin siya.

Read also

Kris Aquino, grateful sa effort ng aniya'y "very determined man of his word"

I promised myself after reading my latest results that had 1 unexpected & admittedly scary red flag (not autoimmune related) after iniyak ko na, TAMA NA. If ever that borderline number signals early detection, i am still blessed…IN FAITH I SURRENDER ALL to GOD

Aniya, sa dami ng nagdadasal para sa kanya at kahit umabot man sa mas agresibong gamutan ay umaasa siyang mapagbibigyan ng Panginoon ang mga dasal para sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa dami nyong nagdarasal for me, kung umabot na kailangan ng mas aggressive na treatment (at a higher dosage it’s considered chemotherapy) imposibleng hindi tayo pagbibigyan ng ating Mahal na Ama.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Read also

Andrew Schimmer, ibinida ang tattoo na mukha ni Jorhomy bago ang Valentine's day

Kamakailan ay nag-post si Kris Aquino upang alalahanin ang kanyang amang si Ninoy Aquino sa ika-90 kaarawan nito. Sa kanyang post, nagbahagi si Kris ng picture niya na nakasuot ng t-shirt na may nakalagay na mukha ng namayapang ama. Aniya, si Ninoy ay politiko para sa ibang tao ngunit para sa kanya ay isa itong ama na tinatawag siyang "beautiful." Aniya, maituturing niyang siya ang pinakapinagpala sa kanilang limang magkakapatid.

Pinasalamatan ni Cristy Fermin ang kanilang source sa mga detalye tungkol kay Kris. Ito ay dahil sa ang mga detalyeng ibinigay sa kanila ng source ay nakumpirma nilang tama dahil sa post mismo ni Kris. Aniya, maaring may koneksyon ang kanilang source na ito sa ospital o sa center kung saan siya nagpapagamot . Gayunpaman, hiling pa rin ni Cristy ang panalangin sa tuluyan nang paglakas at paggaling ni Kris.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel