Cristy Fermin, pinasalamatan ang source sa detalyeng si Kris mismo ang nagkumpirma

Cristy Fermin, pinasalamatan ang source sa detalyeng si Kris mismo ang nagkumpirma

- Pinasalamatan ni Cristy Fermin ang kanilang source sa mga detalye tungkol kay Kris Aquino

- Ito ay dahil sa ang mga detalyeng ibinigay sa kanila ng source ay nakumpirma nilang tama dahil sa post mismo ni Kris

- Aniya, maaring may koneksyon ang kanilang source na ito sa ospital o sa center kung saan siya nagpapagamot

- Gayunpaman, hiling pa rin ni Cristy ang panalangin sa tuluyan nang paglakas at paggaling ni Kris Aquino

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpasalamat si Cristy Fermin sa kanilang source sa mga detalyeng ibinibigay nito sa kanila tungkol kay Kris Aquino.

Cristy Fermin, pinasalamatan ang source sa detalyeng si Kris mismo ang nagkumpirma
Kris Aquino (@krisaquino)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ang naibahagi nina Cristy sa Showbiz Now Na! noong Nobyembre 12 ay tugma sa mga detalyeng ibinigay ni Kris Aquino sa kanyang post tungkol sa kanyang kalagayan.

Dahil dito, lumabas na totoo ang mga naibalita ni Cristy tungkol kay Kris sa naturang episode.

Read also

Julia Barretto, ibinida ang kagandahan ng isla ng Siquijor

"Maraming salamat po sa aming source dahil si Kris Aquino po mismo ang kumumpirma ng mga detalye ng gamutan. Kaya may 18 buwan pa raw bago lumabas 'yung resulta ng mga pinagsama-sama pong medical abstract mula sa Singapore, sa Texas at sa LA," pahayag ni Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Palagay ko 'yung source natin ay mayroong koneksyon, kung hindi man sa mga doktor, doon sa center kung saan siya nadoon,"

"Paano niya malalaman na hindi balanse ang kanyang timbang? Paano niya malalaman na siya ay nahihilo at hindi lumalakad at kailangan ng gabay. Hindi nga kumakain ng solido 'di ba at puro gamot lamang po," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng Pilipinas.

Read also

Herlene Budol, idinetalye ang paghabol ng pulis sa kanya sa Uganda; "Eto na 'ata katapusan ko"

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa isang episode ng Showbiz Now Na!, naikwento ni Cristy ang nasabi sa kanya ng kanyang source na tuloy na tuloy na ang kasalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Gaganapin daw ito sa 2023. Sakaling totoo ito, isa raw si Cristy sa mga magiging masaya para sa dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel