Herlene Budol, idinetalye ang paghabol na pulis sa kanya sa Uganda; "Eto na 'ata katapusan ko"

Herlene Budol, idinetalye ang paghabol na pulis sa kanya sa Uganda; "Eto na 'ata katapusan ko"

- Sa panayam ni Nelson Canlas kay Herlene Budol idinetalye pa nito ang mga kaganapan sa Uganda

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Mas naipaliwanag ni Herlene kung ano ang nangyari sa video na unang ibinahagi ng manager niya na si Wilbert Tolentino

- Naroong hinabol sila ng mga pulis sa Uganda dahil sa hindi pagkakaintindihan na naganap sa hotel kung saan tumutuloy ang ibang kandidata

- Aniya, hinimatay talaga siya sa sasakyan nang tuluyan nang makaalis sa nasabing hotel kung saan naiwan ang ibang mga kandidata

Idinetalye ni Herlene Budol ang kalunos-lunos na sinapit nito sa Miss Planet International sa Uganda.

Herlene Budol, idinetalye ang paghabol na pulis sa kanya sa Uganda; "Eto na 'ata katapusan ko"
Herlene Budol (@herlene_budol)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nalaman ng KAMI na sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas, doon niya naikwento ang mga kaganapan sa video na unang ibinahagi ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino sa vlog nito.

Read also

Herlene Budol at Team Kafreshness, namigay ng maagang pamasko sa mga bata sa Uganda

Ani Herlene, naranasan pa umano niyang habulin ng pulis na may baril sa Uganda dahil sa hindi pagkakaunawaan ng mga ito sa may-ari ng van na isa rin sa mga hindi nabayaran ng umano'y nag-organisa ng pageant.

Ipinaliwanag naman daw ng may-ari ng sasakyan na si Joshua sa mga pulis na hindi talaga kasama si Herlene sa mga naka-check in sa naturang hotel at gusto na nitong umuwi sa kanila talagang tinutuluyan.

Nang makalabas, doon na umano hinabol si Herlene ng dalawang aramadong pulis na labis niyang ikinatakot.

"Paglabas ko, yung ibang pulis siguro hindi nasabihan hinabol ako na may baril. Dalawa po yung humabol sa akin na may hawak na mahabang baril. Sabi ko sa sarili ko, eto na ata katapusan ko... Kala ko sa pelikula ko lang mapapanood," ani Herlene na aminadong hinimatay nang tuluyang makaalis ang van sa nasabing hotel dala ng takot, gutom at pagod dahil sa mga aberyang naganap sa Miss Planet International sa Uganda.

Read also

Cristy Fermin, pinasalamatan ang source sa detalyeng si Kris mismo ang nagkumpirma

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa GMA News:

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".

Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Aminado si Herlene na nabago ang kanyang buhay nang maging manager si Wilbert Tolentino.

Malaki ang naitulong nito sa paghahanda ni Herlene sa pagsali sa Binibining Pilipinas 2022.

Matapos na makamit ang first-runner up sa nasabing pageant. Siya ang napiling kinatawan para sa Miss Planet International 2022 sa Uganda subalit sa kasamaang palad, mismong ang naturang pageant ang hindi natuloy sa dami ng umano'y naging problema nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel