Video ni Herlene Budol nang mapahagulhol sa sinapit sa MPI, binahagi ni Wilbert Tolentino

Video ni Herlene Budol nang mapahagulhol sa sinapit sa MPI, binahagi ni Wilbert Tolentino

- Ibanahagi ni Wilbert Tolentino sa kanyang vlog ang mga kaganapan sa ngayo'y kanselado nang Miss Planet International

- Sa video, mas ipinaliwanag ang mga kaganapan sa naturang pageant na sinasabing scam dahil sa umano'y 'di maayos na sistema

- Makikita rin si Herlene sa video na talagang napahagulhol nang hindi basta palabasin sa tinutuluyan ng mga kandidata

- Base sa mga kaganapang ito, naging traumatic para kay Herlene ang bahagi na ito sa una sana niyang international pageant

- Gayunpaman, siniguro ng 'Team Ka-freshness' na maayos ang lagay ng kanilang team lalong-lalo na si Herlene

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Makalipas ang ilang araw, isiniwalat na ni Wilbert Tolentino ang mga kaganapan sa Uganda kung saan sana gaganapin ang Miss Planet International 2022.

Video ni Herlene Budol nang mapahagulhol sa sinapit sa MPI, binahagi ni Wilbert Tolentino
Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kanselado na ang pageant kung saan si Herlene Nicole Budol ang kinatawan ng Pilipinas.

Read also

Cristy Fermin, nababahala sa nadadalas na 'fake news' ukol sa buhay ni Mike Enriquez

Sa kanyang vlog, mas ipinaliwanag ang mga naging aberya mula sa bilang ng mga kandidatang hindi nakapasok sa nasabing bansa hanggang sa mga naging problema ng mismong organizers ng pageant na kalauna'y tinawag na 'scam.'

At kapansin-pansin sa video ay ang paghagulhol ni Herlene nang malamang nagkakaproblema na ang Miss Planet International Organizers.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maririnig si Herlene na nagsasabing "They don't want to go out... I want to go home. I want to go out. I have the driver"

Nabanggit na nakauwi naman si Herlene sa lugar na tinutuluyan nila sa Uganda. Siniguro rin na nasa maayos na kalagayan ang Team Kafreshness na kasama ni Herlene sa nasabing bansa

Narito ang kabuuan ng mga naging kaganapan na mula sa Wilbert Tolentino VLOGS:

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".

Read also

Dimples Romana, nagdiwang ng kaarawan kasama ang mga street children

Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Aminado si Herlene na nabago ang kanyang buhay nang maging manager si Wilbert Tolentino.

Malaki ang naitulong nito sa paghahanda ni Herlene sa pagsali sa Binibining Pilipinas 2022.

Matapos na makamit ang first-runner up sa nasabing pageant. Siya ang napiling kinatawan para sa Miss Planet International 2022 sa Uganda.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel