Dimples Romana, nagdiwang ng kaarawan kasama ang mga street children

Dimples Romana, nagdiwang ng kaarawan kasama ang mga street children

- Nagdiwang si Dimples Romana ng kanyang birthday kasama ang mga street children sa ilalim ng pangangalaga ng He Cares Mission Street Children Caring Center Inc.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa kanyang Instagram post, pinakita ni Dimples ang mga pictures na kuha sa ginanap na feeding program at children's party

- Napagtanto niya umano ang dulot na mga bagong aral at pananaw na maaring dumating sa bawat panibagong araw

- Dagdag pa niya, ang nakita niyang pag-asa sa mga mata ng mga bata ang tema ng ika-38 na taon niya

Binahagi ni Dimples Romana ang mga pictures nila na kuha sa feeding program na isinagawa niya sa He Cares Mission Street Children Caring Center Inc., isang institusyong nangangalaga sa mga batang kalye. Ito ang naging paraan ni Dimples upang maipagdiwang ang kanyang ika-38 na kaarawan.

Read also

Madam Inutz, nalungkot sa sinapit ni Herlene Budol sa Miss Planet International

Dimples Romana, nagdiwang ng kaarawan kasama ang mga streel children
Dimples Romana, nagdiwang ng kaarawan kasama ang mga streel children (@dimplesromana)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kalakip ng mga binahagi niyang pictures ay ang kanyang caption kung saan nakasaad ang mga bagay na kanyang napagtanto. Nagpasalamat din siya sa Diyos at mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya..

Si Dianne Marie Bonifacio Romana-Ahmee o mas kilala bilang si Dimples Romana ay isang aktres na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang kontrabida. Ikinasal siya sa kanyang asawang si Romeo Adecer Ahmee Jr. noong 2003 at nabiyayaan sila ng tatlong anak na kanilang pinangalanang Callie, Alonzo at Elio.

Kamakailan ay nagsalita si Dimples kaugnay sa halos dalawang buwan na pananahimik ni Angel Locsin sa social media. Sa YouTube video na binahagi ng ABS-CBN entertainment writer na si Kiko Escuadro, sinabi ni Dimples na deserved naman ni Angel ang privacy nito sa kasalukuyan. Mismong siya umano ay nakakaranas ng panahon na gusto niyang pagtuunan ang personal na buhay. Si Dimples ay isa sa kilalang pinakamalapit na kaibigan ni Angel sa mundo ng showbiz.

Read also

Wilbert Tolentino, idinetalye ang umano'y aberyang naganap sa Miss Planet International

Ayon kay Dimples, nag-post siya ng "ayuda" para pampaganda ng gabi ng mga kagaya niyang CocoJuls fan. Maririnig ang lakas ng tawa ni Dimples sa naturang video dahil umano sa kanyang kilig kina Julia Montes at Coco Martin. Makikita sa naturang video na nakikipagbiruan din si Coco na kinalaunan ay sinabi ni Dimples na "hiyang-hiya si Coco" matapos nitong makuhanan ng video na sumayaw. Matapos nga niyang i-post ang video ay marami sa mga tagahanga ng dalawa ang natuwa at kinilig din.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel