Dimples Romana, aminadong kinilig kina Julia Montes at Coco Martin

Dimples Romana, aminadong kinilig kina Julia Montes at Coco Martin

- Ayon kay Dimples Romana, nag-post siya ng "ayuda" para pampaganda ng gabi ng mga kagaya niyang CocoJuls fan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Maririnig ang lakas ng tawa ni Dimples sa naturang video dahil umano sa kanyang kilig kina Julia Montes at Coco Martin

- Makikita sa naturang video na nakikipagbiruan din si Coco na kinalaunan ay sinabi ni Dimples na "hiyang-hiya si Coco" matapos nitong makuhanan ng video na sumayaw

- Matapos nga niyang i-post ang video ay marami sa mga tagahanga ng dalawa ang natuwa at kinilig din

Aminado si Dimples Romana na isa siyang fan ng tandem nina Julia Montes at Coco Martin. Maririnig ang lakas ng tawa ni Dimples sa binahagi niyang video dahil umano sa kanyang kilig sa dalawa.

Dimples Romana, aminadong kinilig kina Julia Montes at Coco Martin
Dimples Romana, aminadong kinilig kina Julia Montes at Coco Martin (@montesjulia08)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Deniece Cornejo, dumalo sa huling araw ng hearing para sa bail petition ni Vhong Navarro

Habang nag-vivideo si Dimples ay tinutok niya ang camera kay Coco na katabi lang din si Julia. Makikita sa naturang video na nakikipagbiruan din si Coco na kinalaunan ay sinabi ni Dimples na "hiyang-hiya si Coco" matapos nitong makuhanan ng video na sumayaw.

Matapos nga niyang i-post ang video ay marami sa mga tagahanga ng dalawa ang natuwa at kinilig din.

Grabe ang saya saya nmin sa mga ayuda ng #cocojul today..nkakakilig!
Awww! Hangcute ng #CocoJul so sweet naman! KINILIG din akits
Thank you sa ayuda Ms. Dimps. Sobrang rare talaga ng mga ganito sa amin. wahaha!

Si Julia Montes o Mara Hautea Schnittka sa totoong buhay ay isang aktres na may lahing German. Nag-umpisa ang kanyang karera sa showbiz nang mapabilang siya sa youth oriented gag show na "Goin' Bulilit". Bumida din siya sa ilang mga teleserye kagaya ng "Mara Clara", "Asintado" at "Doble Kara".

Kamakailan ay nagbahagi si Julai Montes ng video niya. Umani ng mga puri at positibong komento ang post na ito ni Julia sa janyang Instagram feed. Marami ang nakapansin sa kanyang kagandahan sa naturang video kung saan sinabi niyang naghahanda siya para sa isang pelikula. Agad na nag-viral ang post na ito ni Julia.

Read also

Hearing para sa bail petition ni Vhong Navarro, natapos na ngayong araw

Kabilang sina Julia at Coco Martin sa mga personalidad na dumalo sa ginanap na birthday party para sa ABS-CBN Executive na si Deo Endrinal. Marami din na mga TV personalities ang naroroon sa naturang party. Kabilang sa mga naroroon din ay ang mga Kapamilya stars na sina Dimples Romana, Andrea Brillantes, Alexa Ilacad, at Cherry Pie Picache.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel