Madam Inutz, nalungkot sa sinapit ni Herlene Budol sa Miss Planet International

Madam Inutz, nalungkot sa sinapit ni Herlene Budol sa Miss Planet International

- Isa si Madam Inutz sa agad na nagkomento sa post ni Wilbert Tolentino tungkol sa mga nangyari sa Miss Planet International

- Nalulungkot umano siya sa sinapit ni Herlene gayung ito pa naman ang kauna-unahang beauty pageant na kanyang sinalihan

- Ipinaliwanag ni Wilbert ang mga kaganapan sa nasabing pageant matapos na maunang maglabas ng post ang ilang mga kandidata

- Tuluyan na rin na na-withdraw ni Wilbert si Herlene sa nasabing pageant matapos ang mga aberyang nangyari doon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agad na nagkomento si Madam Inutz sa post ng manager niyang si Wilbert Tolentino sa mga naganap sa Miss Planet International sa Uganda.

Madam Inutz, nalungkot sa sinapit ni Herlene Budol sa Miss Planet International
Madam Inutz kasama sina Wilbert Tolentino at Herlene Nicole Budol (@daisyinutz)
Source: Instagram

Si Herlene Nicol Budol, ang Binibining Pilipinas First runner-up ang kinatawan ng bansa sa naturang pageant at alaga rin ni Wilbert Tolentino.

Nang maglabas ng pahayag si Wilbert sa nangyari, agad na nagkomento si Madam Inutz.

Read also

Wilbert Tolentino, idinetalye ang umano'y aberyang naganap sa Miss Planet International

"Kakalungkot naman sir," ang kanyang nasabi kasama ng mga sad emojis.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Wilbert, umpisa pa lang kalahati na ng mga inaasahang kandidata ang mga hindi nakapasok ng Africa dahil sa kakulangan sa isang requirement na hinihingi.

Naroon din na magkaproblema sa accommodation lalo na at ang nakikita lamang nilang solusyon ay gumastos muna sa sariling bulsa ang mga kandidata, bagay na hindi rin napaghandaan ng nakararami.

Matapos ang mga umano'y aberyang ito, minabuti na ng ilan na hindi na sumali at mag-withdraw sa pagiging kandidata.

Kabilang na rito si Herlene na hindi naman pinabayaan ng kanyang Team Philippines.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Wilbert:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 150,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Read also

Kris Bernal, masayang natupad ang kanyang dream collab kay Alex Gonzaga

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng kanyang pagsisikap.

Nang makalabas noon sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel