Madam Inutz, emosyonal na niregaluhan ang ama ng Php76,000 sa kaarawan nito

Madam Inutz, emosyonal na niregaluhan ang ama ng Php76,000 sa kaarawan nito

- Emosyonal si Madam Inutz nang isurpresa niya ang kanyang ama ng Php76,000 para sa kaarawan nito

- Nagdiwang ang ama ni Madam Inutz ng ika-76 nitong kaarawan kaya naman tinumbasan ni Madam ng isang libo ang kada taon nito

- Mababakas ang kasiyahan sa kanyang ama sa natanggap nitong biyaya para sa kanyang kaarawan

- Kilala si Madam Inutz sa kanyang pagpapahalaga sa pamilya lalo na sa kanyang mga anak at mga magulang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi na naman napigilang maluha ni Madam Inutz sa kanyang pinakabagong video nang regaluhan niya ng Php 76,000 ang kanyang ama sa kaarawan nito.

Madam Inutz, emosyonal na niregaluhan ang ama ng Php76,000 sa kaarawan nito
Madam Inutz kasama ang kanyang mga kapatid ang kanyang ama (Madam Inutz)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na isa sa surpresa ni Madam Inutz sa kanyang ama ang nasabing halaga gayundin ang ilan pang mga gamit nito tulad ng damit at iba pang nais ng kanyang ama.

Read also

Smokey Manaloto, pinagpasalamat na nabiyayaan siya ng anak

At nang iabot na nga ni Madam Inutz ang halagang Php 76,000, hindi na nito napigilang maging emosyonal.

"Masayang-masaya si Madam Inutz at napaligaya naman natin ang isa sa mga importanteng tao sa buhay ko"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hindi ba, sinabi ko naman na hangga't nabubuhay ako, papaligayahin ko at gagawin ko 'yung lahat para sa kanila," ani Madam Inutz na kilala sa labis na pagmamahal sa kanyang pamilya.

"Kaya mga ka-Inutz, lagi niyong tatandaan, hangga't nandiyan ang mga magulang niyo, ipakita at iparamdam natin 'yung pagmamahal at 'yung importanteng nadiyan siya para sa atin," dagdag pa ni Madam Inutz habang nakaakbay sa kanyang amang nagdiwang ng ika-76 na kaarawan.

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang kakaiba at nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling. Sa kabila nito tumatabo ng mahigit 150,000 ang mga viewers niya kaya naman mabilis siyang nakilala online.

Read also

Cristy Fermin, ipinagtanggol si Sharon Cuneta sa mga bashers nito; "Pinaghirapan niya 'yun"

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng kanyang pagsisikap.

Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 celebrity edition kung saan pasok siya sa Final 5.

Nang makalabas noon sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.

Katunayan, naging bahagi siya ng sitcom nina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach na 'My Papa Pi.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel