Smokey Manaloto, pinagpasalamat na nabiyayaan siya ng anak

Smokey Manaloto, pinagpasalamat na nabiyayaan siya ng anak

- Proud daddy si Smokey Manaloto sa kanyang anak na si Kiko na isinilang dalawang buwan pa lang ang nakakalipas

- Binahagi ng first-time dad ang pictures at video ng kanyang anak sa social media at marami ang nakapansin sa pogi niyang baby

- Maging ang mga kasamahan niya sa industriya ay napansin din ang anak ni Smokey na ayon sa komedyante ay nagmana sa ina

- Matatandaang nag-viral kamakailan ang video ni Smokey matapos niyang isapubliko ang pagiging ama niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinagpapasalamat ni Smokey Manaloto na nabiyayaan siya ng anak sa kanyang edad na 51. Sa post ng first-time dad ay naibahagi niyang itinuturing niyang Christmas gift mula sa Panginoon ang anak niyang si Kiko.

Smokey Manaloto, pinagpasalamat na nabiyayaan siya ng anak
Smokey Manaloto, pinagpasalamat na nabiyayaan siya ng anak (www.facebook.com/brian.manaloto.7)
Source: Facebook
Smo-Kiko” . Lord… maraming salamat po sa Christmas Gift na binigay niyo po sa akin nung August 4.

Read also

Andrea Brillantes, sinabing edited ang post kung saan ni-like daw ni Ricci ang IG story ng isang babae

Samantala, agaw-pansin ang kakyutan at kapogian ng anak niya. Sa katunayan maging ang kasamahan niya sa showbiz ay napa-komento sa post ni Smokey. Ani Smokey, nagmana sa kanyang partner ang anak nila kaya pogi ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, marami sa mga netizens ang nakapansin sa pagkakahawig ng anak niya sa kanya lalo na sa singkit nitong mga mata.

Si Smokey Manaloto ay nakilala bilang isang mahusay na komedyante. Naging bahagi siya ng Kapamilya sitcom na Home Along Da Riles. Naging bahagi din siya ng iba pang pelikula kagaya ng Magic Kombat (1995), Ang Probinsyano (2015) and Super Mouse and the Roborats (1989). Kasalukuyang napapanuod siya bilang isa sa cast ng 2 Good 2 be True.

Samantala, kabilang si Cong. Rowena Guanzon sa mga aminadong nanonood ng naturang serye. Sinabi niyang isa siyang fan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa kanyang tweet ay naihayag niya ang kanyang pagkainip na maipalabas ang mga episode ng naturang serye dahil aniya ay nakakabitin.

Read also

Sen. Robin Padilla, ibinahaging may nakita raw na baradong parte ng kanyang puso

Matatandaang binahagi ni Smokey ang balita tungkol sa kanyang pagiging ama sa edad na 51. Sa kanyang video na binahagi sa social media, nabanggit niya na akala niya ay huli na para sa kanya na magkaanak. Aniya, Disyembre noong nakaraang taon nang malaman nila ang tunkol sa pagdadalangtao ng kanyang partner. Ayon sa kanyang post, nitong ika-4 ng Agosto 2022 nanganak ang kanyang partner.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel