Sen. Robin Padilla, ibinahaging may nakita raw na baradong parte ng kanyang puso

Sen. Robin Padilla, ibinahaging may nakita raw na baradong parte ng kanyang puso

- Naibahagi ni Swn. Robin Padilla ang tungkol sa nakitang bara sa parte ng kanyang puso kaya kinailangan niyang sumailalim sa operasyon sa puso

- Sa panayam ng TV5 sa kanya, naibahagi niyang wala naman siyang sakit ngunit nagka high blood pressure lamang siya matapos ang eleksiyon

- Hindi na umano bumaba ang kanyang BP mula nang bakasyon nilang mag-anak sa Spain

- Ang binabantayan na lang nila umano ngayon ay ang mataas niyang blood pressure

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nilinaw ni Sen. Robin Padilla na wala siyang sakit ngunit nagkaroon lamang siya ng high blood pressure pagkatapos ng halalan. Sa panayam sa kanya ng TV 5, naibahagi niyang may nakitang bara sa parte ng kanyang puso kaya kinailangan niyang sumailalim sa operasyon sa puso.

Sen. Robin Padilla, ibinahaging may nakita raw na baradong parte ng kanyang puso
Sen. Robin Padilla, ibinahaging may nakita raw na baradong parte ng kanyang puso (@robinhoodpadilla)
Source: Instagram

Hindi na umano bumaba ang kanyang BP mula nang bakasyon nilang mag-anak sa Spain. Ang binabantayan na lang nila umano ngayon ay ang mataas niyang blood pressure.

Read also

Regine Velasquez, inaming hindi na kaya ang pagbirit niya sa isang concert niya noong 2003

Wala akong sakit na kahit ano. Nangyari Lang nagka-high blood ako after elections. Magmula sa spain hindi na bumaba ang BP ko. Ginawa sa Cardinal Santos ang test sa endoscopy, colonoscopy para tignan ang laman loob, pasado lahat... Ginawa ang 2d echo ng puso may nakita sila na kailangan magpatingin sa cardiologist. Pumunta ako sa Asian hospital, pinag-stress test ako may nakita raw sila na parang barado ang puso kaya ako na heart procedure.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o Robin Padilla ay kilala bilang “Bad Boy of Philippine Cinema”. Isa rin siyang screenwriter, producer, director at nationalist. Tinatawag din siyang “The prince of the Philippine Action Movies”. Agosto 10, 2010 nang ikasal siya kay Mariel Rodriguez sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame.

Read also

Wil Dasovich, nagkaaberya sa pag-akyat sa pinakamataas na outdoor climbing wall

kamakailan ay si Robin mismo ang naghayag ng kanyang pasasalamat kay Kris Aquino sa tulong nito sa kanya nitong nakaraang eleksiyon. Ayon sa senador, hindi umano sila bumitiw kay Kris simula nang malaman nilang mag-asawa ang tungkol sa pagkakasakit nito.

Samantala, si Kris Aquino umano mismo ay gumawa ng paraan para makatulong sa kandidatura ni Robin Padilla noong panahon ng eleksiyon. Sa isang Facebook post ay binahagi ni Robin ang pasasalamat niya kay Kris sa tulong na binigay nito sa kanya kahit tumatakbo sa ilaim ng UniTeam ai Robin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel