Regine Velasquez, inaming hindi na kaya ang pagbirit niya sa isang concert nya noong 2003

Regine Velasquez, inaming hindi na kaya ang pagbirit niya sa isang concert nya noong 2003

- Aminado si Regine Velasquez na hindi na niya kayang gawin ang kanyang pagbirit sa isang concert noong taong 2003

- Sa isang tweet ay binahagi ng songbird ang isang video ng kanyang pag-awit ng kantang "Ikaw ang Lahat sa Akin"

- Aniya matapos mapanood ang video, masasabi niyang medyo magaling daw pala siya sa naturang video

- Pabiro pa niyang sinabi na 100 taon na ang nakakalipas at hindi na niya kayang gawin ang ginawa niyang pagbirit

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Regine Velasquez ang link ng isang video na kuha sa kanyang concert noong 2003. Aniya matapos mapanood ang video, masasabi niyang medyo magaling daw pala siya sa naturang video ngunit hindi na daw niya kayang gawin ito ngayon.

Regine Velasquez, inaming hindi na kaya ang pagbirit niya sa isang concert nya noong 2003
Regine Velasquez, inaming hindi na kaya ang pagbirit niya sa isang concert nya noong 2003 (@reginevalcasid)
Source: Instagram

Makikita sa naturang video ang kanyang pagkanta ng awitin niyang Ikaw ang lahat sa Akin. Makikita din sa naturang video na si Martin Nievera ang kumanta ng unang bahagi ng kanta.

Read also

Wil Dasovich, nagkaaberya sa pag-akyat sa pinakamataas na outdoor climbing wall

Just watched this ah medyo magaling pala ako dito but of course this was 100 years ago I can’t do this anymore

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Kamakailan, kinaaliwan din ang biro ni Regine na kunwari ay nakikiusyuso kay Francine Diaz. Ito ay noong kasagsagan ng isyu tungkol sa kanila ni Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Naging bahagi na din si Regine ng talk show na Magandang Buhay. Kinaaliwan ang kanyang post kung saan nawindang siya nang mapansing naka-tsinelas lamang siya nang pumunta siya sa taping.

Matapos mag-viral ang pagbabalik-tanaw ni Regine kaugnay sa nangyari bago sila nagkatuluyan ni Ogie Alcasid, naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y kanyang nasaksihan. Hindi lang umano isang beses nasangkot si Regine sa isyu ng pagiging 3rd party sa isang relasyon. Muling binalikan ni Nanay Cristy ang pagkasangkot niya sa relasyong Gelli de Bellen at Arel Rivera. Nasangkot din umano si Regine sa relasyong Bing Loyzaga at Janno Gibbs kahit kasal na ang mag-asawa noong mga panahong iyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel